Showing posts with label Personal. Show all posts
Showing posts with label Personal. Show all posts

Tuesday, July 16, 2024

Kabalintunaan

image credits @kritikavashist
Sa mga panahong hindi ko na alam ang gagawin. Sa mga panahong hindi ko na alam kung saan pupunta. Sa mga araw na wala akong dahilan para gumising. Sa mga walang tulog na gabi dahil sa mga mabibigat na isipin.



Tuesday, June 4, 2024

Mga Serye

image credits @lovepik
Maraming serye ang ating mga buhay. Mga serye ng paglalakbay. Mga serye ng pagbangon sa kabigatan. Mga serye ng kilig at kagalakang nararamdaman. Mga serye ng takot at kahinaang natutuklasan pa lamang. Mga serye ng paghihinagpis. Mga serye ng paulit-ulit lamang na araw-araw nating karanasan. Mga serye ng paghanap sa totoong ikaliligaya ng ating puso't isipan. Mga serye ng paghingi ng tulong sa ating Panginoong may kapal. Mga serye ng kalukutan sa nawalang minamahal. Mga serye ng sama ng loob nating nararamdaman, at marami pang seryeng hindi mabilang.


Wednesday, March 13, 2024

Higanteng Pagtanggap

photo credits @ denkpositief
Hindi pa rin makapaniwala si Isabelle. Katabi niya ngayon ang isang binata. May kaya sa buhay, nakapagtapos ng pagaaral, may sariling bahay at sasakyan, may trabahong hindi patay-buhay, at higit sa lahat ay walang sabit. Baka nga nahihiya lang itong magsabi, dahil pansin niyang wala pa itong masyadong alam sa pakikipag talik.



Mayaman sa Kaluwalhatian

photo credits @ don pablo
Si Ralf. Bata pa lang ay manghang-mangha na sa ganda sa mga disensyo, sining, at istraktura ng Simbahan. Lalo kung ramdam na ang diwa ng kapaskuhan. Sa tuwing magsisimba ay may hindi maipaliwanag na kagalakan siyang nararamdaman. Sa mura niyang isip-"Magiging nasa ayos at masaya ang lahat kapag ikaw ay may takot sa Diyos at sa kaniyang Kaluwalhatian.".



Thursday, August 24, 2023

Puno ng Liwanag

photo credits @lightknights
Naisip ko. Pano kaya tayo nananatiling matatag kahit sobrang hirap nang tumayo sa mga araw-araw nating laban. Pano kaya natin nalalaman na darating din yung araw na iba naman sa ating mga nakasanayan. Yung alam mong magiging masaya ka din at makakaluwag kahit alam mo rin namang napakalayo mo pa para makarating sa iyong mga pinapangarap.



Sunday, July 30, 2023

Tadhana sa Sisayd

photo credits @moa_seaside
Hindi naman talaga ako naniniwala sa hiwaga, himala, hula o anuman. Hindi nga maipaliwanag ni Charles Darwin kung bakit laging mas tama ang mga babae kesa sa lalake. Hindi nga tumataya ng lotto ang mga maghuhula, nandun lang sila sa Quiapo matyagang naghihintay ng maiisahan. Hindi rin maipaliwanag ng science kung bakit moderno na pero kailngang makaluma pa rin ang gawi ng panliligaw ko kay Sheena.



Thursday, July 20, 2023

Anak ng Magmamais

photo credits @gettyimage
Ibang iba na ang Taysan. Malayo sa ating dating ginagalawan. Hindi naman talaga ako nasanay dito, ang pagbisita ng pamilya namin dito madalas hindi tumatagal ng isang buwan. Dati, taun-taon kaming nandito para mamasko sa mga Tiyo at Tiya, Ninong at Ninang. Pero habang tumatanda dumalang na. Masakit aminin pero parang nagpupunta na lang kami kapag kailangan nang magpaalam sa kanila sa huling pagkakataon at ipakita ang pakikiramay. Pati ang Lolo't Lola, humaba ang buhay pero alaala na lang rin sila ng aking kabataan.



Tuesday, July 18, 2023

Ating Daungan

photo credits @ynalove
Hindi mapapagod ang bibig ni Wena ipaalam sa akin kung gaano siya kapalad. Sa tagal ng panahon, makakatagpo din pala siya ng isang tulad ko. Aminadong hindi perpekto ngunit para sa kaniya ako ay natupad na pangarap. Ang lalaking ituturing siyang prinsesa, ang lalaking rerespetuhin ang pagka babae niya, lalaking pakikinggan at iintindihin ang nga nararamdaman niya, lalaking sasama sa kaniya kahit saan, lalaking handang hingiin muna ang kamay ng magulang niya bago ang sa kaniya.



Monday, July 17, 2023

Walang Alam na Pag-ibig

art credits @saachiart
Nagising akong lasing padin sa katotohanan. Kagabi, ilang dating kasintahan kaya ang sinubukan kong tawagan? Siguradong pinagtawanan ang hibang nilang kainuman. Walang-wala na pero naghahanap pa rin ng sa kanila'y maipagmamayabang. Bakit kasi hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan. Kung bawat relasyong nagdaan na ang patunay na ako'y kaiwan-iwan.



Monday, July 3, 2023

Yna Miranda

photo credits @acelove

Naalala ko noon. Ako mismo ang naghahanap ng paraan para pasayahin ang sarili. Gagala kung saan, kakain ng anumang maibigan, hahanap ng mapaglilibangan, hahanap ng bagong mapagkakaabalahan, at magpapatangay sa paa san man ang maisip nitong puntahan.



Thursday, June 1, 2023

Makapiling Hanggang Hinaharap?

image credits @viktorija_lapteva
Nakakatuwang isipin.
May kasintahan akong palaging naghihintay sa akin.

Gwapo ako sa kaniyang paningin.
Kaya natatakot akong sa iba siya pa'y tumingin.

Ang sarap kung iisipin.
May katuwang na ako sa lahat ng aking mithiin.

Ang saya kung tatanawin.
Mga alaalang nabuo na at bubuuin pa lang namin.


Sunday, April 23, 2023

Gaano Ko Ikaw Kamahal

photo credits @ynalove

Madaling sabihin ang ating mga nararamdaman. Ngunit sigurado bang tayo ay maiintindihan? Madaling sabihing-nilimot ko na ang nakaraan. Ngunit sa puso mo'y ito ba ang  tunay na nararamdaman? Madaling umibig at magpaibig. Ngunit sigurado bang hindi tayo masasaktan? Madaling sabihing-kaya ko pa naman. Ngunit malalaman ba nila kung gaano ka nahihirapan?



Monday, February 13, 2023

Oras Na Ba?

photo credits: funeralforafriend

Tapos na ang mga pagdiriwang at pagugulungin nating muli ang mga araw patungong Disyembre. Hindi ang bawat kahapon ang dapat nating alalahanin-'ika niya. Hindi na nga ba dapat pang alalahanin dahil hindi naman talaga kailanman ang mga alaalang dulot nito'y naging maganda?



Saturday, January 21, 2023

Unang Apat

image credits: girlystuff
I

Matagal ng kadiliman lang ang aking nakikita.
Sa aking sarili ay matagal ng naging pabaya.
Dumating ka at hindi na ako muli pang magiisa.
Ngunit dinatnan mong puso'y durog-durog na.


Monday, August 29, 2022

Mohoao

credits: S A D

Sampung libong distansya ang kaniyang ipinabatid. Hiling lang naman talaga ang Pagibig at sa una pa lang ay alam ko nang mahirap itong makamit. Ngunit bakit pakiramdam ko'y pinatayan ako ng ilaw sa paghahanap ko ng susing sa una palang ay hindi ko alam ang hugis.



Tuesday, May 31, 2022

Orca

image credits: redbubble
Parang pagpasok sa langit ang paglapit ko sa'yo. Pagtapos kasing hawiin ang mga ulap ay ganda mo ang sumalubong sa akin. Pero hindi talaga ulap 'yon kun'di usok ng vape mo. Kung bakit kasi hindi mo pa matigilan ang bisyo. Dapat pala si Jenny na lang ang nanalo!-agad mong bungad sa akin. Tignan mo ohh, baka last puff ko na nga 'to on a public place-Dagdag mo pa habang kunot noo pa rin ako dahil hindi maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin.


Saturday, September 28, 2019

Pahulay Sa Adlaw

credits: apple caballero
Ilang araw na ba noong huli kaming magkasama ng malaya sa mga mapanirang mata't dila. Gusto ko na siyang hagkan. Gusto ko na ngang tumakbo papalapit sa kaniyang kinauupuan, gusto ko nang gulatin siya sa pagkiliti sa kaniyang tagiliran, o 'di kaya'y yakapin siya agad ng mahigpit tulad ng matagal ko ng hindi nagawa. Hinahangin pa nga ang buhok niya na parang paguudyok 'yon ng hangin sa akin para magnakaw ako ng halik sa pisngi niya.


Sunday, May 19, 2019

Last Trip

credits: hezrei escabel
Alam ko namang madali siyang makakahanap. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Pagmamahal, madali niya 'yong naituro sa natutulog kong kaluluwa. Alam ko. hindi lang ako naging handa sa pagdating niya.

Alam ko ring hindi puyat ang nagpapahapdi sa aking mga mata sa mga sandaling iyon. Gusto ko siyang yakapin upang hindi maampyasan pa ng bumubuhos na ulan, kung ako lang sana ang kasukob niya sa payong na iyon.



Tuesday, May 1, 2018

Totoong Panaginip

credits: vera
Naisip mo kaya ako sa mga taong lumipas? Alam mo pa ba ang kumpleto kong 'ngalan? May isang bagay kaya na nagpapaalala sa'yo patungkol sa akin? May natira pa kayang masayang alaala sa puso't isip? May mga panahon kayang nagalala ka para sa aking kalagayan? Naroon din kaya ako sayo'ng mga panaginip?



Sunday, December 31, 2017

Maikling Pagiisip Sa D25

credits: helton brewing
Ano nga ba ang Buhay? Isang ilusyon, isang anino, o 'di kaya'y isang kuwento na hinahabi ng panahon. At ang pinaka inam sa mundo ay maliit lamang, sapagkat ang lahat ng buhay sa mundo ay isa lamang panaginip, at maging ang mismong mga panaginip ay panaginip lang din.



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.