Tuesday, July 16, 2024

Kabalintunaan

image credits @kritikavashist
Sa mga panahong hindi ko na alam ang gagawin. Sa mga panahong hindi ko na alam kung saan pupunta. Sa mga araw na wala akong dahilan para gumising. Sa mga walang tulog na gabi dahil sa mga mabibigat na isipin.

Sa mga nakaraang pagibig na ako lang ang nanalig. Sa mga kaibigan, kamaganak, na masayang makita akong lubog sa putik. Sa mga kasamahang naghihintay ng aking pagkakamali. Sa Pamilyang pinagmamalasakitan ng walang hinihinging kapalit.

Masaya man o' mapait. Karanasan, pinagsamahan, pinagdaanan. Bahagi ito ng aking buhay. Buhay na walang nakakaalam kung kailan babawin sa akin ng Diyos. Kabalintunaan man o' Tunay, tatanawin kong positibo ang lahat sa aking Buhay. Mahal ko kayong tunay.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin