Monday, March 4, 2013

Liham sa Kaunting Siwang


Umuulan na naman ng mga ala-ala sa aking isipan, katabi ko ang punong ibinabagsak ang mga lanta n'yang halaman. Nasaan ka kaya ngayong isinusulat ko itong liham? Liham na siguradong sa basurahan din naman ang punta dahil maging hanggang ngayon ay kulang pa rin sa tapang upang maiabot sa'yo ng harapan. 'Di bale iiwan ko na lang dito sa kaunting siwang ng malaking bato kung saan tayo noon madalas na tumatambay, baka lang sakaling isang araw ay maisipan mong balikan ang ating tagpuan.

Ako? Hindi lang ang lugar na 'to ang binalikan ko, binalikan ko ang lahat-lahat sa atin. Bakit ko nga ba kasi sinayang? Kasalanan ko bang mahalin ka higit pa sa isang kaibigan? Mabuti na rin siguro na ipinagtapat ko, hindi lang talaga ako naging handa sa maaaring isagot mo. Hindi ko rin inakala, darating pala ang araw na kalungkutan ang idadala sa akin ng espesyal na lugar na ito, paalis na sana ako nung naisip ko, salamat na rin, salamat dahil nabigyan ako ng pagkakataong makilala at makasama ang isang tulad mo.

Lahat tayo ay mayroong kahinaan, nalaman mong ikaw ang kahinaan ko noong lumingon ka't napansin ang nais na kumawalang luha sa aking mga mata, doon mo nalamang hindi ako nagbibiro sa sinabing mahal kita. Hindi mo ako natanggap at malabis ko naman 'yong ipinagdamdan, ilang gabi't araw ang iniluha at palagining ninais ko na mapagisa. Kasalanan ko rin, bakit sa haba ng panahon ay nailihim ko ang damdamin, sa haba ng pinagsamahan bilang matalik na magkaibigan bakit ang puso at ang nadarama pa ang nagawa kong itago at hindi ipaalam. Alam kong nagkamali ako at sana'y napatawad mo na.

Noon tuwing nakaupo tayo sa malaking bato at nagkukulitan, palagi kang may itinatanong sa akin tuwing hinuhugisan natin sa ating isipan ang mga tanaw na ulap, "Ano kaya tayo? Nasaan tayo? At anong ginagawa natin makalipas ang maraming taon mula ngayon?" Noon ay wala akong maisagot, kahit ngayon kung tatanungin mo ay hindi ko pa rin alam ang eksaktong sagot. Isa lang ang alam ko, na isang araw sa ating mga buhay ay magkikitang muli tayo, maaaring sa mall, sa mga galaan, sa pampublikong sasakyan, o 'di kaya ay tulad ng sa aking napanaginipan. Araw yon ng linggo, maraming tao ang naglalakad, buhay na buhay na bumabatingaw ang mga kampana, kasama mo ang buo mong pamilya at katulad din ng lahat ay masaya n'yong pinasok ang tahanan ng Diyos, doon kung saan ko siya pinagsisilbihan.

Sa buhay mayroong isang magtatama sa ating mga kamalian, hihila sa atin kapag tayo'y nalulubog sa putikan. Mayroong sasagip sa atin at tutulong kapag tayo'y nasa kapahamakan, s'yang magiilaw sa daan kung tayo'y naliligaw at namamali ng landas. Nakilala ko siya, nakilala ko't minahal ko ang Diyos at alam kong mahal rin niya ako kahit pa noong hindi ko pa siya lubusang kilala. Dahil sa mga pangyayari sa atin ay nagkaroon ng kaunting siwang sa aking puso, kaunting siwang kung saan hinayaan ko siyang tumuloy at baguhin ang buong puso ko't pagkatao, hindi niya ako binigo. Ito na nga siguro ang landas na tatahakin ko. Hiling ko rin ang ikagaganda at ikasasagana ng sa'yo kung nasaan ka man ngayon. Gusto ko lang na magpaalam at magpasalamat, dahil sayo ay napalapit akong lubusan sa kaniya.

_____________________________

Umagos ang luha sa mga mata ni Andrea, ganon pa man ay may ngiting umaliwalas sa kaniya matapos itiklop ang nabasang liham. Sa isip-isip niya "Huli na pala ako, ito talaga siguro ang plano para sa atin. Salamat, salamat din dahil sa wakas ay sinagot mo ang noon ay ginawa kong sukatan na tanong."

~~ o ~~

Ang maikling kwentong ito ay handog kay Cristine Mae ang aking bhezt! ^__^

posted from Bloggeroid

 

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

16 comments:

  1. Isa ka sa mga kakilala kong blogero na sobrang mahusay at maayos magsulat... You are not just a blogger but a true blooded writer...

    Maganda at madamdamin ang kwentong ito... Hindi nasayang ang wagas na pag-ibig dahil naibigay naman sa Kanya... Nakakalungkot man kay Andrea, nalaman niya ang kasagutan.

    Ganda ng kwento... Pinag-isipan at may lalim...

    Isa lang ang ayaw ko sa kwentong ito, 'yung "ala-ala" instead of alaala... hehehe... OC-OC lang sa Balarilang Filipino... Peace!

    Keep writing! nais ko pang malaman ang iyong ibang kakayanan maliban sa pagsusulat ng kwento. Dare? hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat at nagustuhan mo hehe.. tyalends accepted senyor... ako din naman eh gusto kong masubok ang sarili ko... ohhh no!! alaala ba yung tama? tsk sori hahaha.. ^__^

      Delete
    2. Yan si propesor Senyor! :)

      Delete
  2. :) wala na akong masabi, nasabi ko na ata sa mga previous kong comment ehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naubusan ka na tol rix? Ayos lang yan at maraming maraming salamat.. yung alam kong may interesado din namang magbasa ng mga gawa ko ay okey na okey na sa akin ^__^

      Delete
    2. di naman gaano pero kung pauli ulit ko sasabihin yung sinabi ko sa last na comment baka magsawa ka na sa naririnig mo kaya umaarti lang ako ngayon ganyan ahahahaha.

      Delete
    3. Naiintindihan ko kaibigan.. salamat sa suporta. Ako? Hindi ako magsasawang makarinig ng puna kahit negative pa.. kayo sana ang hindi magsawang bumisita sa aking munting tahanan haha ^__^

      Delete
    4. nyahaha mukang di naman ako nag sasawa suki na nga ako... may gulaman ka pa ba dyan? charut!

      Delete
    5. Sabaw ang marami ako dito haha..

      Delete
    6. nyahaha ok lang kahit na sabaw basa may nam nam para may lasa ahahaha.

      Delete
  3. Honggaling. Ngayon ko lang napansin na binago mo na pala yung fonts mo. :) Hindi kasi ako nakadalaw nung nakaraan. Busy sa katamaran e. hahah!

    Ang galing ng pagkakasulat. Liham na pala yun. Pagkakahusay! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat pao hehe.. minsan talaga sinusubukan kong iksian areng mga kwento kaya minsan sulat o kaya sanaysay na laang ang magpapadali sa lahat haha.. buti kahit ganon eh naiibigan pa rin :)

      Ayaw kong lumagpas sa bilang ng daliri ang magsabing medyo mahirap magbasa dine kaya kinagat ko na ang request nung huling nagsabi n baguhin ko ;)

      Delete
  4. Ang lungkot naman... Hindi sila nagkatuluyan?

    Minsan talaga may mga taong dumarating sating buhay na akala natin sya na pero pinadala lang pala sya upang matuto tayo. hehe

    Dalang dala ang emosyon ko habang binabasa ko to.

    Ang galing mong magsulat sir. Hanga ako. Ang linis at ang ganda ng mga salitang ginamit mo. Isa kang writer. Keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, mahirap palang gawing opisyal ang hindi naman para sa'yo itinadhana... dadaan lang sa buhay para tumulong na mapaghandaan ang hinaharap, e pano kung nwalan na agad ng paniniwala sa magic of love? Hehe..

      Salamat po sir Archie.. writer tayo pareha ^__^

      Delete
  5. Hi! Ang lungkot naman neto...pero can relate ako on some parts...oh! think on 70% of this...just stumbled upon your blog...ang daming magagaling pinoy writer talaga...isa ka doon...:) A new follower po!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sangayon po ako riyan.. napaka dami talaga, pero ayokong ihambing ang sarili ko sa kanila o isiping isa ako sa kanila.. pag ganun kasi eh nanliliit ako, para akong moisture na dala ng hangin heheh..

      Salamat po sa pagbasa at pag follow ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin