Friday, July 14, 2023

Somno

image credits @99designs
Paligid-ligid lang ang mga tinig
Nagsasabing ang bangka ko'y tagilid
Ngunit sa kanila'y 'di padadaig
At ipagpapatuloy ang aking pagibig

Diwa ko'y inikot na ang daigdig
Sa panaginip ko ako'y pumupuslit
Sa dibdib ay may namumuong pagiisip
At ang puso'y pasikip ng pasikip


Itong pagpaikut-ikot mo sa aking isip
Ang dulot sa akin ay malubhang sakit
Kung kaya lang putulin, sariling panaginip
Walang tulog kundi putol-putol na idlip

Ilang beses nang lubid ay isinabit
Nasayang na mga sandi pinit inbinabalik
Ang huling pagdampi sa akin ng iyong halik
Sa panaginip na lang pala muling makakamit

Sa aking paulit-ulit na pagpupumilit
Sariling pagasa ko ang aking pinupunit
Kahit tuluyang mawala na ako sayong isip
Mananatiling ikaw ang aking iniibig


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin