Thursday, July 27, 2023

wabi-sabi

photo credits @istockphoto
Sa bawat tinatago ng ating damdamin
Naka kubli ang sakit na hindi natin maamin
Bawat ngiti na sa kanila'y tinakpan natin
Ligaya pala nila ang ipinagkakait natin

"Masaya ka pa ba?"
desperadong tanong ko sa linya kay Linda. Kahit alam na kayang sirain ng sagot ang aking damdamin. Umuulan pa. Sa isip ko maliligo at iinom na lang ng gamot pagkadating ng kwarto dahil siguradong magkakasakit ako.

Siya kaya? Kumain na kaya? Napagod kaya sa trabaho? May kinagalitan kayang kasamahan? Nakamusta kaya ang kaniyang magulang? Maayos kaya ang kaniyang lagay? Naaalala din niya kaya ako tulad ng pag aalala ko sa kaniya?.

Akala ng lahat, kasama na ang aking mahal, madali lang ang buhay ko sa Japan. Pero pinapatay na ako ng kalungkutan at panghihila ng kapawa. Ang masakit, kapareho mo ng lupang tinubuan.

Bakit kaya may mga taong hindi mo alam kung ano ang tunay na kulay? Bakit kaya kahit taon ang gugulin mo ay hindi mo mahuhuli ang totoong ugali ng isang tao? Parang lahat ng tao ay may maskara. Nakangiting maskara, na sa likod palay ay minamasama ka at handa kang pagtaksilan.

"Oo naman Hon, ingat ka diyan." sagot Linda sa kabilang linya, pero halatang may kasama, at di mapigil ang pagungol niya. Akala niya siguro ay hindi ko pa halata. Kung sabagay pareno naman kaming may maskara. Yung sa akin ay para magpanggap na maayos ang lahat.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin