Wednesday, July 5, 2023

Binangonan

photo credits @iamnoempty
Natagpuan kitang may bigat sa 'yong mga mata. Nagtatanong sa'yong sarili at tila naghihintay lang ng makakausap para ilabas ang mga kasakitang hindi mo inakalang mararanasan mo sa'yong buhay. Kahit saglit lang ay kakayanan mong manlunod ng isang damdamin at sa kaniya'y iparamdam na-wala ang lahat ng 'yong karanasan sa bawat pilay na masakit kong binangunan.

Kasalan ko bang mabighani kahit pa kalungkutan ang iyong wangis? Kasalanan bang taliwas sa nakikita ng mga mata ang ipinadadalang pinta sa aking isip? Mali bang umasa na ang paglapit sayo'y bagong pagsubok at pagasang baka naman hindi lahat ng dumarating sa aking buhay ay mangiiwan lang din. Kung sa bagay. Ano pa nga bang gagawin sa librong punit-punit kun'di alamin kung may magkaka intires pa ditong basahin.

Alam mo kayang nandun ako. Nakatanaw sa'yo sa malayo. Sakay ng aking motorsiklo. May luhang umaagos mula sa mata at dugo naman mula sa ulo na hindi pansin dahil basang-basa sa buhos ng malaks na ulan. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin at kung ano pa ang uunahin. Kapote, Helmet, Telepono, maging pasalubong para sa aking anak ay nalimutan ko rin. Kaya kahit anong bigat ng bawat hakbang ay sinusubukan ko pa rin. Baka sakaling pag dating ko sayo'ng harap at ako'y mapansin. Baka magbago ang lahat sa akin.

Patak ng ulan sa aking mukha, sirena ng ambulansya, at kumpulan ng mga tao ang sa akin ay gumising. 'Yon na rin siguro ang tumawag ng iyong pansin at nagpaalam sayo'ng ako'y dumating. Hindi tulad ng mga lumang pangako na bigo kong tuparin. Hindi tulad ng mga away na hindi ko alam kung bakit ko kailngang paigtingin. Gusto ko na lang humimbing doon, habang nakahiga ka sa aking dibdib. Ngunit naiyak mong sinasabi ng paulit-ulit "Pa.., stay with me. Kailngan ka namin ni Jenny."


~~


posted from Bloggeroid





Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin