Tuesday, July 11, 2023

Sa Ating Mga Sukdulan

credits @wallpaper_sad_love
Sa aking mga mata'y subukan mo akong titigan
Kaya mo pa kayang ibigay sa akin ang kaligtasan?

Alamin ang aking mga kasinungalingan
At ituwid ang mga ito sayong pamamaraan?

Maging musika na nais kong mapakinggan
At sa iyong malambing na tinig ako'y iyong iduyan?

Ibato sa isa't isa ang mga apoy nating nararamdaman
At sa pagliwanag ng mga damdamin tayo'y magsintahan.

__________

Sa sukdulan ng ating mga kalungkutan
Naiisip nating gawin ang mga bagay na walang katinuan.

Dahil sa kasawian ng bawat nating pinaglalaban
Kaya nang hanginin ng pagod ang ating mga katawan.

Kahit puro sakit ang ating nararamdaman
Magpapanggap pa rin na maganda ang mga kaganapan.

Kapag mga sarili na natin ang ating kinakalaban
Tayo rin ang pasasakitan ng ating pakikipagsagupaan.

__________

Paano na lang kung sa buhay ko'y 'di ka dumaan?

Paano na lang kung ang takot ko'y 'di ko nilabanan?

Paano na lang kung hindi mo ako naisip pagbigyan?

Paano na lang kung hindi mo ako piniling sandalan?

Paano na lang kung ang tigas ko'y di mo nakayanan?

Paano na lang kung hindi tayo nagkasunduan?

Paano na lang kung naisip mong kailangan ng wakasan?

Paano na lang kung naisip kong kailangan ng wakasan?

Paano na lang kung umabot tayo sa ating mga sukdulan?

Mabuti na lang, ngayon at hanggang kailanman.

Palagi nating pinipiling manaig ang ating pagmamahalan.

Mananatili tayo't patuloy na gagamutin ang bawat nating kalungkutan.


~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin