Friday, July 7, 2023

Silweta

image credits @istock
Bumyahe kahit walang patutunguhan
Hinahanap ang sa buhay ko'y kabuluhan
Silweta mo'y patuloy na nararamdaman
Na parang kailanama'y hindi ka lumisan

Muling magdiriwang sa aking kalungkutan
Ang mga mata kong gustong magpaulan
Tila maitim na ulap na wala namang laman
Kalubhaan ang sa akin ay tanging naiwan



Niligaw ako ng sarili kong kahalayan
Sinira ako ng sarili kong kalokohan
Binago ng aking pakikipag matigasan
Dinurog at nilamon ng aking kainggitan

Magpapabalik-balik lang sa kawalan
Ligaw na ang sinisigaw ay iyong pangalan
Kung ako o ikaw ba ang nakulangan
Bakit nang iwan ng walang kalinawan

Sa basag na salamin ko na lang natagpuan
Sariling 'di na rin alam ang kakilanlan
Bakit sa huli ko pa kailangang malaman
Patalim mong pag amin sa buong katotohanan


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin