photo credits @acelove |
Naalala ko noon. Ako mismo ang naghahanap ng paraan para pasayahin ang sarili. Gagala kung saan, kakain ng anumang maibigan, hahanap ng mapaglilibangan, hahanap ng bagong mapagkakaabalahan, at magpapatangay sa paa san man ang maisip nitong puntahan.
Ngayon. Parang lahat ng kalayaan, wala na. Akala ko sa pag tanda, dun na tayo makakapag desisyon para sa sarili natin. Dun pala tayo mapapako sa pagsasakripsyo para sa pamilyang sa atin ay nagpaaral at nagtaguyod. Nagdala sa atin kung nasaan tayo ngayon.Lagi na lang iisipin. Hindi naman tayo nagiisa. May mga taong tulad natin. May mga taong mas hirap pa sa atin. May mga taong nakakangiti mong makikita ngunit libong luha ang nakakubli sa damdamin. May pusong agaw-buhay na pala kung malalaman lang natin.
Ganito rin kaya ang iniisip nilang lahat? Ang mga taong galing pa sa trabaho ngunit hindi nag alintana ang init para tumayo sa tapat ng basillica ng Nazareno. Ang mga taong ilang misa na ang nagdaan ngunit nandon parin para humingi ng tulong sa mga nagsisimba.
Ang mga motoristang tumitigil pansamantala para itaas ang dalawang kamay sa Panginoon. Yung mga magkasintahang mas piniling manampalataya kaysa magpalamig sa mga pamosong galaan. Pati yung mga taong sa hirap ng sa hirap ng buhay ay napipilitang mandaya ng kapwa.
Si Yna kaya? Alam kaya niyang tulad lang din ako ng karamihan. Alam kaya niya kung ilang simbahan na ang binisita ko bago ko siya makilala? Alam kaya niyang matagal ko nang hinihiling na dumating sa akin ang isang katulad niya? Alam kaya niya kung pano niya binago ang aking buhay?.
Ngunit ang aking mahal. Tulad din nating lahat ay paiikutin ng tadhana, babawalan ng pagkakaton at lilimitahan ng mga obligasyon. Kung ako man o hindi ang taong nararapat sa kaniya. Palagi ko siyang ihaharap sa'yo Ama. Dahil alam kong siya na ang gusto kong makasama.
Hanggang ang puso at isip niya ay magtayog at maging malaya.
~~
No comments:
Post a Comment