Sunday, November 18, 2012

Minsang Umulan



Minsang umulan ako'y nasa tahanan
Iniisip ko kung ikaw ba'y nasaan
Sana ay nasa maayos ka lamang
Malayo sa unos na itong nagpaparamdam

Manlamig ay 'di na maiiwasan
Kahit sa dalawang taong nagmamahalan
Mahalaga ay mangibabaw ang pagiibigan
Sa pagsubok ay wag patalong agaran

Patak ng tubig sa aking likuran
Mula sa butas na 'di natapalan
Gumising sa lumilipad kong kamalayan
Kumulbit sa nagaalala kong isipan

Oo nga't akin ka nang pinayuhan
Huwag matakot dahil ako'y nandito lang naman
Ngunit bakit hindi ko 'yon napapatunayan
Sa mga oras na dapat kita'y pinapayungan

Malaki nga ang aking pagkukulang
Hindi nakapagtatakang lagi tayong may tampuhan
Ganon pa man ay hindi ko hahayaan
Pagmamahal mo sa akin ay mahugasan ng ulan

Minsan tayong hahamunin ng kapalaran
Titimbangin tiwala, at pagmamahal na laan
Minsan tayong 'di magkakaintindihan
Sa huli, ang isa't-isa rin ang ating takbuhan

Minsang masusukat, hanggang saan at kailan
Ilulubog tayo ng ating mga kahinaan
Ngunit iaahon ng pagasang dala ng pagmamahalan
At patutunayan na ito ay walang hangganan

Minsang umulan ako ay nasa tahanan
Wala ka pa kaya pagaalala'y 'di maiwasan
Lalabas na sana ako't hahanapin ka kahit pa saan
Ipaparamdam sa'yo na mula ngayon kita'y iingatan

Biglaang galak na aking mapakinggan
Tawag mo ang ngalan ko mula sa pintuan
Sasalubungin kita't ipaparamdam ang kasiyahan
Yayakapin ka't hinding hindi na pababayaan


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 comments:

  1. nagustuhan ko ang atake mo sa mga salita.... Thumbs up!

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin