Lipad ang isip ni Aileen malapit sa bintana kung saan siya nakahiga, pinipilit niyang tanawing makulay ang kahit puro ilaw at mga sasakyan sa kalsada lang niyang nakikita, iniisip kung ano ba ang buhay na naghihintay sa kaniya kung sakaling maging malaya siya sa kinahihigaan. Haplus-haplos ng kaniyang ina ang buhok niya, ang kaniyang ina na walang pinalagpas na oras na hindi niyakap ang kaniyang unica jija. Ang mga bulaklak sa mesa na kanina pang umaagaw sa pansin ni Aileen, marahan niyang niyang inabot kahit pa umaakyat ang dugo sa suero ay kapansinpansin ang kagustuhan ni Aileen na makuha ang kahit isa lamang sa mga ito.
Nakapikit niyang ipinamalas sa kaniyang pangamoy ang taglay na bango ng nakuhang bulaklak. Kita sa kaniya ang kaginhawahan mula sa ginawang 'yon, tila humaplos sa kaniyang damdamin ang ginawa sa oras ng pangungulila ng pusong naliligaw, wari'y malaking pagasa ang dala upang mas makilala pa niya ang sarili at nakaraan ng ginawa niyang pagyakap sa kaniyang dibdib sa bulaklak na 'yon hanggang sa kaniyang pagtulog.
Mahimbing ang tulog ni Aileen, sa likod ng maamo niyang mukha ay ang katotohanang itinago ng kaniyang pamilya sa kaniya, ang trahedya na nagdulot ng lahat ng ito sa kaniya, ang trahedya na naghiwalay sa kaniya sa tunay na nilalaman ng puso n'ya. Hindi rin naman nila kagustuhan nangyari, oo nga't hindi sila boto kay Noel ngunit mahal nila si Aileen at ayaw nila na may mangyaring masama rito, ganon din ay ayaw nilang magtanim ito ng sama ng loob sa kanila kung tututulan pa ang pagmamahalan nila ng binata.
Mas makakabuti kung itatago nalang ang lahat–pangungumbinsing wika ng kaniyang Ina sa kaniyang Ama. Ngunit nagpakita parin ng awa ang kaniyang Ama na hindi malaman ang gagawin, inuubos niya ang bawat oras sa pagiisip at pagtatanong sa sarili. Marahil ay minsang sumalamin din sa kaniya ang naging posisyon ni Noel kay Aileen kung kaya't hindi ganon kadali para sa kaniya na isawalang bahala na lamang ang mga bagay na tulad nito. Ginawa na nila ang tumulong sa pamilya ni Noel ngunit mas maswerte parin sila kung tutuusin, habang buhay na utang na loob niyang tatanawin kay Noel ang tila himalang ikalawang buhay ng kanilang nagiisang anak na si Aileen.
_____________________________
"Mahal kita Aileen"
"Mahal din kita Noel, pero paano kung lahat ay tutol sa atin? Siguro mas makakabuti nalang na itigil muna natin ito."
Nakasayad sa lupa ang dalawang tuhod ni Noel sa gilid ng basang kalsada ng Almanza, tanging kahilingan ay hindi tuluyang pakawalan ng mahal n'yang si Aileen ang pagibig para sa kaniya, kaya naman daw niyang gawin ang lahat, ang ipaglaban si Aileen, at patunayan sa lahat ang pagmamahal niya dito. Ngunit tila batong nanatiling matigas ang puso ni Aileen kahit pa ang totoo ay sobra na s'yang nasasaktan dahil ayaw rin naman niyang gawin ang pagiwan sa kaniyang mahal. Wari ay buo na ang desisyon ng dalaga sa kaniyang ipinakita, ngunit ninais ni Noel na siya'y mapakinggan bago siya tuluyan nitong iwan.
"Mahal kita Aileen at mananatili ka sa puso ko. Sana ay ganon ka din sa akin."
Hindi mapigilan ng dalaga ang damdamin, tila nais nang umagos ng luha mula sa kaniyang mga mata. Bawat hakbang niya papalayo ay pinagmasdan ng basangbbasa sa ulan na si Noel. Bawat hakbang ni Aileen ay kasing bigat ng ginawa niyang pagiwan sa kaniyang iniibig. Nakasisilaw na liwanag at malakas na busina ang gumulat sa napapalayo niyang kamalayan, ipinikit niya ang kaniyang mga mata sa mga sandaling 'yon sa pagaalam na 'yon nalang ang tanging magagawa niya.
Nahihilo at malabo ang kaniyang paningin sa pagmulat niya ng kaniyang mga mata, Noel ang una niyang binaggit na pangalan, pangalan ng kaniyang mahal na nakita n'yang nakadagan sa kaniya at walang malay, si Noel na isinugal ang sariling buhay para mailigtas ang kaniyang minamahal. Doon ay naintindihan ni Aileen ang lahat, nakilala niya kung sino ba si Noel, hiling niya sana'y maaaring ibalik ang oras para maitama ang lahat. Ngunit 'yon ay isang panaginip, panaginip na gumunita ng mga pangyayaring hindi naman nila inasahan.
Nakapalibot ang buong pamilya't maganak ni Aileen sa kaniya. Noel ang unang narinig mula sa mga labi ng dalaga. Kahit sinasaktan pa ng sikat ng araw ang kaniyang mga mata dahilan para lumabo ang paningin niya sa pagmulat ng mga mata, Noel ang unang binanggit niyang ngalan habang tanaw-tanaw ang nalantang bulaklak na akap-akap n'ya sa puso niya. Dumating na ang bagong umaga, ngunit luha na lamang ang kapalit ng katotohanang huli na ang lahat, hindi na n'ya muling makakapiling ang kaniyang mahal, naglaho na ang pagasang at pagkakataon para mas mahalin at mas kilalanin pa niya ang isang Noel. Wala na siya.
after kong mabasa... parang sarap mag emote hehehe.... nagustuhan ko ang story.... pag ibig nga naman ^____^
ReplyDeleteKeep on writing!
hehe.. thanks sir jon..
Deletetagal ng bakasyon ko para magemote ito lang din naisulat ko... daming drafts na tula olats lahat. tsk. heheh..