credits: mnhs ta ~ supreme student government |
Narito na ang iyong pangarap. Ang powdered milk sa tuktok ng ice-scrumble 'ika nga. Ito na ang napakatagal mong hinintay. Kahit alam kong maraming mga pagbabago ang naganap dahil hindi natin kayang manatiling mga batang puno ng pagpupursigi habang nakasakay tayo sa ating pagmamahalan patungo sa malayong lakbayin-sa ang ating mga pangarap.
Naalala ko ang high-school, ang mga kaklaseng subsob sa pagaaral at mga kaklase kong subsob sa armchair. Ang mga sirang upuan kaharap ng bagong pinturang blackboard na pinagambagan ng maiingay. Ang mga palamuting pamasko na kailangan malinis hanggang mag desyembre ulit. Ang mga alaala na binuo ng isang masayang section at syempre ang mga alaala natin.
Wala naman talaga akong balak seryosohin ang pagaaral kung hindi lang dahil sa'yo. Binahagi mo sa akin ang pananaw mo kung gaano kahalaga ang edukasyon at kung anong pwedeng mangyari kung walang hawak na diploma sa panahon ngayon. Nagsimula tuloy akong magalala sa kinabukasan ko. Kinabukasan natin, pero hindi mo pa talaga alam 'yon noon.
Unang araw palang noong nagpakilala at ngumiti. Alam ko na agad na ikaw ang gusto kong makasama sa aking pagtanda, gusto kong araw-araw makita ang ngiti mong iyon, sabay tayong mangangarap, sabay tayong bubuo ng masasayang alaala. Salamat, sinuklian mo ang paghanga ko sa'yo. Salamat minahal mo rin ako. Salamat at naniwala ka sa atin.
Sabi ko naman sa'yo eh. Magiging teacher din ang dating estudyante mo lang. Maaasahan mong ituturo ko ang lahat ng payo at pangaral mo sa'kin sa mga estudyante ko at syempre sa nagiisang anak natin. Nakakalungkot lang na hindi kana namin makakasama, bakit mo pa kasi nilihim ang nararamdaman mo. Pangako, ikaw pa rin ang teacher namin, hindi mo man nasambit dito sa mundo natin. Sana ipangako mo ring babantayan mo kami ni Angel.

~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment