![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEicJ780UF4X2OzHMNC_l4GDJ5egGdfWqQgPAYXoBPvuYDVVCKT-EsD9JeCRWiwaaSm3lHaYKxEEp_JcH6dDdZrLPJhR5ow9Bi9uCVYaR2adgkXuUs7Kuv3n-Qak01AlzzHJZIySO8uR9WU/s0/gamu-gamo.jpg)
Sa binta ng iyong silid, ang huling gamugamong nakita mong lumisan sa poste ng ilaw ay ang aking pagsuko't paalam. Buong buhay ko'y ninais kong lumapit sa iyong liwanag. Ngunit ito rin pala ang susunog sa aking mga pakpak at sa akin ay tuluyang magpapabagsak.
Sana'y kaya kong magising sa isang panibagong buhay. Kasabay sa paglibing sa aking mga alaala at lahat ng nakasanayan bukod sa iyong pangalan. Sayang-Hindi ito ang buhay na aking hinagap. At kung ano man ako sa kasunod kong buhay, sana ako na sayo'y katanggap-tanggap.
~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment