"San ka na? D kb ppsok?" Na Crushstruck ako dahil pangalan ni Angie ang lumabas sa aking inbox, ngunit bigla ring binawi ang mood nung maalala kong sim card nga pala ni Bhezt ang nakasalpak sa cellphone ko. Sayang, sisimulan ko na sanang magpasalamat sa mga bathala, pero kahit pala magtanong kung isa ba itong senyales na dapat ko na siyang kausapin at lapitan ay wala akong rights.
Mangyaring nauso na rin ang mga rights rights na yan, tanong ko sa sarili kung paano na-earn ni Bhezt ang rights para makipagpalitan sa akin ng sim card at kung anong benifits ang kalakip nito. Inisip ko ng inisip pero wala talaga. Naguluhan pa nga ako dahil hindi ko alam ang number na paloloadan ko, mabuti at naka-unli pa, sosyal. Ayoko namang isipin na gusto niyang hulihin kung may nakakatext akong kung sinong alien sa number ko, mas malabo pa sa imposible ang isiping inlababo sa akin ang bestfriend ko.
"Pmsok ka ngaun ah. Hntyn kta" nagtext si Bhezt sa wakas gamit ang number ko, sinusubukang sugpuin ang katamaran na alam niyang naguunahan na naman sa mga ugat ko. Kung hindi lang siya nangangaral sa akin na parang dalaga kong nanay, malamang malala na ang pagkakadikit ko sa higaan.
Ginusto ko rin naman yung ganito. Yung tipong may isang taong magagalit 'pag ayaw mong kumain ng munggo, pagbabawalan kang tumusok ng streetfood tuwing martes, huwebes at linggo, babawalan kang magdownload ng porn at araw-araw kang tutulungan para hindi mapaliko ang direksyon ng buhay mo. Ginusto kong may magalala ring kaibigan para sa akin, pero hindi ko 'yon hiniling mula kay Christine, 'yon ang dahilan kung bakit kami mag bestfriend. 'Yon ang dahilan kaya ginagawa ko rin ang makakaya ko para hindi niya ako madalas na kagalitan. Oo nga't bestfriend lang pero napakahirap suyuin oras na nagtampururot na.
_____________________________
Hindi ako nabigong gawin ang paalala ni Bhezt. Labag man sa lumilipad na isip at inaantok na damdamin nagawa ko pa ring bumangon at gumayak para sa huling araw ng skwela. Totoo nga, kapag may tyaga may kung anong mahiwaga, tanaw ko na kasing naroon sa sakayan ng tricycle si Crush, si Angie na nakatayo lang doon at naghihintay ng mga makakasabay dahil ang tricycle ay punuan.
Maraming studyante ang naglalakad papunta rin sa sakayan kaya inunahan ko nang tumakbo si Erap. Mahirap na't baka maunahan pa, sabi nga eh use your kokote, at the same time always smile at itago muna ang sungay, na wala naman ako, pagibig at paghanga lang na hindi bawal dahil ako lang naman ang nakakaalam. Pasimple ko pang binagalan ang lakad dahil malapit na sa kaniyang kinatatayuan. Napalapit lang ako't natitigan siya ng tatlong segundo kada lingon parang sinipag na akong pasukan ang lahat ng klase next week. Bigla kong naalala, kaya nga pala last day dahil kinabukasan na ang simula ng bakasyon.
Pwede na ngang tumumba sa akin ang kaharap kong poste ng meralco, tumingin at ngumiti sa akin si Angie kaya wala na akong pagsisisihan bigla ko mang makita ang liwag na susundo sa'kin. Nagtaka pa si Erap kung bakit unti-unti akong humahakbang papalapit sa nakatalikod na si Angie, napansin niya ang motive kaya ngumiti ang loko sa akin.
"Angie. Sabay-sabay na daw tayo sabi ni Aldrin." biglang imik ng klasmeyt kong binansagan naming si Erap dahil sa bigote at patilya. Gusto ko sanang yupiin ang mukha at toothpickin ang ilong niya. "Oo nga." biglang sagot ni Angie, kaya ligtas na makakauwi mamaya si Erap.
Sasakay na kami noong biglang dumating si Kim na kaibigan ni Angie. Siya na ang tumabi kay Angie sa loob kaya lilipat sana ako sa backride ngunit naunahan pa 'ko ni Erap. Malas, umatras na lang ako't naghintay na lang ng susunod na tricycle, at binalaan ng kamao ko ang malokong tumatawa na si Erap. Nakaupo sa likuran ng driver.
"Aldrin, dito ka na." biglang yaya sa akin ni Angie, agad ko namang ibinulsa ang kamao at nahiya.
"Puno na eh." sagot ko naman.
"Meron pa kaya. Dito ka na." ang baby seat ang tinutukoy ni Angie. Ang maliit na espasyo sa loob ng sidecar na ang silbi sana ay taguan lang ng basahan at kung anu-anong kagamitan na dinadala sa pagpasada. Maging ang tricycle driver ay nagaabang kung sasakay ba ako o hindi, kaya sumakay na ako kahit akala ko never in my life kong pagkakasyahin ang sarili ko sa ganong klaseng posisyon ng pagupo.
Dinig ko pa ang pagtawa ni Erap sa likod habang sa loob ay nagsisimula na akong pagpawisan sa hiya. Meron pa rin namang silver lining ang pagsiksik ko sa loob ng sasakyan, ako yata ang makakaubos ng bango ni Angie at ako na ang pinaka maswerteng chambalelong nung iabot niya sa akin ang kanyang panyo dahil napansin ang tumatagaktak kong pawis.
"Okey ka lang? Bakit hindi ka kasi nagsasalita d'yan?." pagbubukas ni Angie ng usapan dahil malayo-layo pa naman ang kakaragin ng tricycle naming sinasakyan. Tungo at ngiti lang ang naisagot ko, pagkatapos ay sa kalsada na uli ang tingin kahit na nasusupalpal pa ng kamay ng driver ang aking mukha.
Matinding lakas ng loob at tyempo ang kinailangan ko, hindi para kausapin si Angie kundi para bunutin mula sa bulsa ang cellphone ko. Itetext ko ang bestfriend ko at magyayabang ako tulad ng madalas naming gawain, mangaasar at magpapaselos ako sa kaniya na siguradong with all powers niya namang kokontrahin.
"Kasama ko ngayon si Angie :P"
"Weh? Saan kau?"
"Sa tricycle ppnt na skul"
"Ah nksbay m lng pla e"
(Walang reply)
"Type mo?"
"Mahal ko n nga e"
"Bat ayw mng sbhin? Chnce m n yn"
"Tingin mo?"
"Oo kauspn m n!"
"Ktkot e"
"D m p nga snsbkan eh"
Doon na pala ang babaan hindi ko napansin dahil kinareer ko ang pagtetext at hindi paglingon sa aking pangarap na si Angie dahil sa hiya at kakarampot lang na distansya namin. Bumaba kami at nandoon na agad ang bestfriend kong si Christine.
"Oh. Bat 'di ka gumawa ng placard? Isulat mo dun ang pangalan ng turistang hinihintay mong dumating." salubong na biro ko kay Bhezt pero hindi man lang umimik.
"Anong nangyare?" pagiiba niya sa usapan.
"Anong nangyari? Eh katext lang kita ah." doon pa natawa si Bhezt sa sagot kong 'yo na s'ya namang ikina-kunot ng aking kilay dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. "Anong nakakatawa? Gusto kong malaman, malay mo Bhezt matawa rin ako."
"Eh kasi Bhezt hindi ko pala nasabi sa'yo. Pagkatapos nating magpalit kami naman ni Angie ang nagpalit ng sim. Siya kasi talaga ang may pakana n'on gusto ka niya kasing makilala."
Hindi na ba uso ang palitan ng number, palitan ng sim na talaga? Nalito ako bigla, kanino pala yung gamit ni Bhezt, kanino yung gamit ni Angie, at kanino yung gamit ko. Mapapamura sana ako nung narealize ko na.
"Magkatabi lang kayo text-text pa ah. Ayiee" pangaasar pa ni Erap na biglang sumalit sa usapan. Tinaboy kong papalayo ang mokong at nagpaalam na ring aalis si Bhezt, ang huling sinabi niya "I smell something." May pagturo pa sa aking likuran.
Lumingon ako, may isa pa palang nandoon at nagpaiwan. Natameme ako, nahiya, kinilig, at lahat-lahat na yata. Natawa ako at napangiti na lamang sa kaniya. Nandoon si Angie naghihintay lang na lapitan at samahan ko siya.
Wahahahaha ito ba ay true to life at ang pangalan mo ang ginamit mo :D
ReplyDeleteFeel ko lang bumida paminsan kaibigan haha ^__^
Deleteahahaha ayos yan bida bida din naman pag may time :D
Deleteito ang kantang handong ni maestro dyan :D
Deletehttp://maestrosintonado.blogspot.com/2013/03/hope-someday.html
Aba may earn pang ganyan ang korning story ko haha.. maraming salamat bisitahin ko.. ^__^
DeleteAw di ko maplay.. download nalang mamaya ^__^
Deleteang kyut ng kwento! hahahaha! :) Para akong highschool habang binabasa ko. ayiie! haha! ^_^
ReplyDeleteHehe salamat sa pagbasa tol pao ah.. ^__^
Deletewait lang, sun dance yung kay sara and jlc? pampatigil ng ulan un diba?
ReplyDeleteAruy.. sun dance ba yun? Edi mali nga haha..
Deletehehehe naaliw naman ako.... kyut ang kwento...
ReplyDeletetama nga... pampatigil un ng ulan... hehehe
ganda ng kwento... kyut siya hehehe kakakilig
Pampatigil ba sir jon? Nalilito ako. Di ko nmn kasi tlga npanood un. Nakita ko lang silang nagsasasayaw sa commercial haha..
DeleteSalamat at nagustuhan. Salamat din sa pagbasa ^__^
Pampatigil ba sir jon? Nalilito ako. Di ko nmn kasi tlga npanood un. Nakita ko lang silang nagsasasayaw sa commercial haha..
DeleteSalamat at nagustuhan. Salamat din sa pagbasa ^__^