Narinig ko ang boses niya. Ano raw bang meron sa dagat at hilig na hilig ko itong pagmasdan? Sabi ko naaalala ko po kasi si Ria.
"Hindi siya biglang aahon sa dagat."
"Alam ko po Lola."
"Dapat ay isinumpa ko na ang lugar na ito Lola. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit binabalik-balikan ko pa rin ang ating probinsya?"
"Dahil walang galit sa puso mo anak. Kunin 'man ng dagat ang lahat ng mahal mo at mahalaga sa'yo alam mong may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Alam mong may plano ang nasa itaas."
"Yung pagdating po ni Ria ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Parang isang himala, pero maaga rin po palang mawawala."
"Alam mo anak kung hindi masamang maniwala sa himala ganon din sa pangalawang pagkakataon. Kalimutan mo ang kahapon, magsimula kang muli, magsimula ulit kayo."
"Tama, pupuntahan ko po siya Lola."
Hindi maipaliwanag ang sabik na aking naramdaman, gusto kong makabalik na agad upang mahagkan ang aking mahal. Parang himala, ilang saglit lang ay nagliwanag ang lahat sa aking isipan.
Kitang masaya para sa akin si Lola, sinasayaw ng hangin ang kaniyang balabal, maaliwalas ang ngiti at walang anumang bahid ng pagtutol habang minamasdan niya akong tumakbo papalayo. Nilingon ko pa siyang muli para kumaway at magpaalam ngunit wala na siya.
Malapit na ako sa aming lumang bahay, sa balkonahe nakatanaw sa akin ang mahal kong si Jillian. Sabi ng ngiti niya'y hindi na nakapako sa puso niya ang nakaraan. May awa ang Diyos, alam kong muli pa kaming mabibiyayaan.
:D isang kwento ng pag-asa... mahusay mahusay at napaka puno ng pag asang kwento..
ReplyDeleteat nakakataba naman ng puso ang komento mo dahil napaka iksi lang nitong gawa ko.. parang naisip lang na pwedeng isulat.. salamat ^__^
Deletemaiksi pero siksik sa laman.
ReplyDeleteCheers :)
Maraming salamat kapanalig.. at salamat sa pagdaan-daan dito sa aking blag..
DeleteI find this story thought provoking... Hmmnnn...
ReplyDeletePag-usapan nga natin 'to! Nais kong malaman ang paninaghugutan mong emosyon.
Gusto ko ang pagkakalahad kasi swak ang gamit ng mga salita. You prove na hindi kailangang maging mahaba ang isang magandang post. Matutuwa si Lope K. Santos.
Haha sino yun. Nagugulat at natatawa naman ako pag may binabanggit saken na complete name pero di ko kilala.. kwentuhan, heart to heart lang talaga sana ng mag lola ito, nahanapan ko lang ng turn, si ria ay nawalang baby. Yung unang naisip ko eh matagal nang nawawalang asawa hehe..
Deleteaw nawala yong comment ko nasira ang connection
ReplyDeleteanyways makapagcomment ulit hahahaha
ansabi ko, habang binabasa ko ito naaalala ko ang aking lola din kung pano niya binigyan ng ilaw ang mga pangarap ko sa buhay din. ang nagsasabi na ang mga nangyayari sa ating buhay ay may dahilan o rason. hindi daw dahil nadapa ka ngayon eh madadapa ka ulit mamaya, kailangan harapin ang pagsubok para maging matatag tayo lalo sa ano pa man ang darating sa buhay natin. =)
Mabuti ka pa may lolang nkapagbigay sayo ng mga ganyang salita, yung tipong porlayf mong dadalhin.. yung lola ko ang naalala ko lang sa kaniya eh pagaalok niya sa aking kumain na nung bata ako. masyadong mabilis ang panahon, nung bumalik kami sa probinsya mahina na siya at hindi na nagsasasalita sa amin.
Deletenawala ulit comment ko? =(
ReplyDeleteD'yan na.. me moderation lang =)
Deletenagustuhan ko ito... maikli pero na kompleto mo ang kwento...
ReplyDeletemaganda din ang pagkakasalaysay mo...
puno ng pag asa na siyang nagpa touch sa puso ko hehehe
kung may nawala may darating... madapa man tayo makakabangon din.....
Nakakatouch din ang comment mo sir Jon hehe.. tama po, wag madaling susuko sa mga pinagdaraanang pagsubok ^__^
Deletenapadaan po sa osam mong blog :)
ReplyDeleteMyxilog
hehe osam talaga.. salamat po sa pagbisita ^__^
Delete