credits: benjamin simeneta |
Alam n'yang dadaan ako doon dahil malapit lang naman do'n ang tahanan kung saan ako nagsisilbi. Tatabi sa kaniya't susubukang ibsan ang bigat sa kaniyang puso. Malambot na puso. Pusong sa paglipas ng panahon ay 'di matagpuan ang tunay nitong kaligayahan. Di na alam kung saan s'ya pupunta't ano ang kaniyang hinahanap.
Marami ang humanga sa kagandahan niya't umibig sa kaniya. Ngunit sa dami ay wala pa rin siyang naging kapareha. Paliwanag pa niya, hindi raw matutumbasan ng bago ang isang bagay o' tao na minahal mo na. Tulad ng duyan, at seesaw doon na kinalawang na ang mga bakal, ngunit laging bago't 'di parin matutumbasan ang doon ay mga binuong alaala.
Mahirap tanggapin ang kasunod niyang sinabi. Maaari nga raw iyakin siya noong kami'y mga bata at ngayo'y palaging balisa, pero mali daw ako kung iniisip na siya'y ligaw na hindi mahanap kung saan puso niya'y magkakamtan ng tunay na kaligayahan. Dahil ako naman daw talaga 'yon, sa akin, kahit noon pa. Ngunit ang napili kong tahakin na landas ay ang magsilbi sa Diyos at sa kaniyang tahanan.
Mahirap tanggapin na ako pala na naging manhid ang dahilan kung bakit siya ngayon nahihirapan.
~~ o ~~
hays! natigilan naman ako sa ending. maganda ang pagkakabuo sa kwento... nakaka lungkot naman ang nangyari... ganyan talaga kapag nagmamahal
ReplyDeletetotoo yan sir Jon.
Deletesalamat sa pagbisita sa'king blog sir Jon, kahit alam kong busy ka at maraming iniisip ^__^