credits: triciagosintian |
Pinaglaban mong marapat na kalagyan nating karangyaan. Pag-ibig sayo'ng kahit buhay ko'y itataya upang maipaglaban. Tulad ng pangakong walang batuhan ng mga sumbat, sino'ng nagkamali sino'ng nagkulang, umaastang matipunong ugnayan, may iniindang halata ma'y ipinagpalagay na wala lang.
Mabilis pa sa bala noong maisipan mong kailangan na nga itong wakasan. Sinabing hindi naman sisidhi itong kaguluhan kung pag-ibig ay nananatili pa sa ibabaw. Sa huli, galit ay pagaagawan, sino'ng sa kaniya'y mas may karapatan. Dagdag mo pa, hindi naghari ang puot sa'ting kalooban, sadyang pagmamahal lang ay 'di na makulayan.
Ngunit natapos man ang kaguluhan bakit sa isip ko'y mayroon pa ring mga katanungan? Ganito ko balikan ang ating nakaraan, natapos man ang sigalot, dala pa rin sa akin ang mga nagdaan. At maibabalik lang ang kapayapaan sa'king puso kung sa'yo mismo madidinig, sa haba ng sigalot at gantihan, minahal mo rin akong pabalik kahit minsan.
~~ o ~~
malalim ang hugot nito ☺
ReplyDeletenahugot lang sa kung saan yan tol rix, huehue.
Deletesalamat at muli kang naligaw :D