Friday, October 26, 2012

Bukas Nalang Ulit



Bukas nalang ulit ako sayo mangungulit
Hindi ako magsasawang magpaulit-ulit
'Yon ay hanggang sa pagibig mo'y makamit
Makata kong wika sa pagbaba natin ng jeep
Teka nga lang, paki ulit
Reaksyon mo sa akin na parang galit
Kinagat ko pa nga ang dila kong makulit
Nadulas, sa sitwasyon tuloy ay naipit

Text ko nalang, bukas tayo meet
Pero 'di mo pinalusot tainga ko pa'y pinihit
Ikaw talaga oh napaka sungit
Hindi pinaalis hanggat 'di muling binabanggit

Namula ang tainga dahil dugo'y naipit
Pagalingin mo 'to–demand ko at isip batang hirit
Hinaplos mo pa nga ang buhok ko upang 'di na magalit
Sa styling gel ko tuloy kamay mo'y nanlagkit

Ano nga kasi 'yon–muli mo pang pangungulit
Kung uulitin ba hangarin ko'y makakamit?
Amoy lupa lang ako ikaw nama'y anghel sa langit
Ngunit 'wag iisipin pagtingin ko'y hamak at maliit

Ito na nga sasabihin ko na ulit
Pero ipangakong 'di tatawa dahil ako'y manliliit
Sabi ko pagibig mo'y nais kong makamit
Sabihin mo lang kung ayaw nang marinig ulit

Itinulak mo pa ako, anlayo tuloy ng itinalsik
Tumawa kapa kaya ako'y tila kawawang paslit
Ngunit, paumanhin ang bigkas mo habang sa kamay ko'y kumapit
Ako naman ay nagulat at daliang kinilig

'Wag mo kasi akong gugulatin, wika mo habang mata'y sumingkit
Ibig sabihin ba nito'y may pagasa akong masungkit?
Hindi naman ang bra na sampay mo ang nais kong maumit
Kundi ang pagibig na kay tagal kong mithing makamit

Sa biglang paalam mo ako'y bahagyang napa pikit
Ngunit naka ngiting ka't dinugtungan 'yon ng–bukas nalang ulit
Galak sa aking puso, hudyat na unti-unting napapalapit
Sa panaginip ko, ikaw at pagibig mo'y malapit nang makamit

Bukas nalang ulit tayo mag meet
Bukas nalang ulit ako mangungulit
Hindi magsasawang magpaulit-ulit
Hanggang sa pagibig mo ay aking makamit


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. isa ka talagang makata.... nagustuhan ko ung pagkakalikha sa tula...

    Huwag magsasawa hanggang di makuha ang tunay na pag-ibig... sa unang pagtatapat nandiyan ang pagkagulat niya.... pero pag may effort...malay mo balang araw makuha mo rin ang nais mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hilig ko po talaga sir jon na magpaka makata kapag walang magawa.. tumutula muna ako habang blanko pa ang ideya para sa maikling kwento ^__^

      Delete
  2. galing! walang dull moment sa buong konsepto.. kudos kapanalig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa comment kapanalig ^__^ sarap kasing magpaulit ulit dun sa T ang dulo hehehe at tuloy-tuloy lang syempre.

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin