Thursday, July 20, 2023

Anak ng Magmamais

photo credits @gettyimage
Ibang iba na ang Taysan. Malayo sa ating dating ginagalawan. Hindi naman talaga ako nasanay dito, ang pagbisita ng pamilya namin dito madalas hindi tumatagal ng isang buwan. Dati, taun-taon kaming nandito para mamasko sa mga Tiyo at Tiya, Ninong at Ninang. Pero habang tumatanda dumalang na. Masakit aminin pero parang nagpupunta na lang kami kapag kailangan nang magpaalam sa kanila sa huling pagkakataon at ipakita ang pakikiramay. Pati ang Lolo't Lola, humaba ang buhay pero alaala na lang rin sila ng aking kabataan.

Noon ay bata lang ako na walang ka alam-alam. Laging nababato dito dahil namimiss ko ang buhay sa kinalakhan kong syudad na Muntinlupa. Mabait sakin ang mga Tiyo at Tiya lalo ang mga nakakatandang pinsan. Pero may edad na rin ako nung nalaman ko na may kinukubli pala silang galit kay Papa. Na kesho iniwan sila at sinubukan ang kapalaran sa kalakhang Maynila. Na hindi daw sila naaalala ngayong nakaka angat-angat na sa buhay si Papa. Na, ayun nga, parang nagpupunta na lang daw kami pag may nabawas sa kamaganakan.

Pero kung ngayon siguro? Kaya ko na silang sagutin ng may galang. Kaya konang dalhin don si Papa at ipagtanggol siya sa lahat. Kasi naman, si Papa hindi na nakapag aral, naglalako ng nilagang mais para lang mapag aral ang mga kapatid niya at makatulong kay Lolo at Lola. Matapos ang lahat ng yun walang natanggap si Papa mula sa kanila kaya naisip niya siya naman siguro ang susubok kahit wala siyang pinanghahawakang diploma. Sinwerte lang siya pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan masamain yun ng mga kapatid niya.

Naramdaman ko din yung sakit nun para kay Papa eh. Lalo nung si Lolo na ang namatay na nakakaalam ng lahat ng paghihirap niya. Simula din nung napansin nadin niya na alam na namin ni Kuya ang maling pagtrato sa kaniya ng mga kapatid niya, ansakit sa puso na ginaganun ng pamilya ang Tatay mo. Pero ganun na yun eh, hindi naman na natin mababago ang mga nangyari at ayoko na rin magtanim pa ng sama ng loob sa kanila. Diba nga "Kahit sinong kamaganak ay pamilya na rin.", ikaw pa nga ang nagsabi sakin nun diba?

__________


"Gwapo ka pa rin aa." sabi ni Katrina. Pero irap lang ang bawi ko sa kaniya dahil sa haba ba naman ng sinabi ko eh yun lang ang nasabi niya. Akala ko nga ay matagal-tagal pa bago ako makabalik ulit ng Taysan, pero madaling madali na tong si Katrina, mabuti na lang at may wazzze na at naka motor na ko ngayon kundi' baka nagkanda ligaw-ligaw ako sa pagpunta, yung huling punta ko nga eh wala pang TV sa mga Bus. Naagaw ang atensyon naming dalawa ng Batingaw, hudyat na kailngan ko na ulit magpaalam sa makulit na si Katrina na parang hindi naman na appreciate ang effort ko sa pag Oo sa kaniyang imbita.

"Sige na pasok na dun at masasakal ka na."

"Kasal yun. Baliw!"

Hinalikan niya ako na parang paalam na niya 'yon sa akin. Pagkatapos ay tinitigan pa niya ako habang naka ngiti na parang naghihintay ng aking sasabihin. Hindi ko na lang pinalabas ang luha pero lumabas ang salita. "Ako sana ang sasakal sayo eh." ani ko.

"Pasalamat ka talaga. Pinsan pala kita." pahabol ko sakanya.


~~



posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin