Thursday, July 13, 2023

novufes

credits @wallpaper_crafter
Masayang araw na sana ang tinuldukan mo sa'yong pagdaan sa aking harapan. Ano pa noong hinila mo palabas ang upuan na parang bawal dikitan ng bacteria ang iyong mga kamay. Nakuha pang lumingon sa akin at dahil sa itim na shades ay tumaas na kilay lang ang nakita ko't nang inis pang palalo sa akin. Nakakatawa lang isipin. Minsan kong minahal ang isang katulad mong mapagmalaki at feeling magaling.

Alam mo bang kung hindi lang nagsimula ang zoom meeting namin ay kanina pako umalis para mawala ka saking paningin? Patingin-tingin ka pa sa paligid at ngumingisi. Inaalam mo ba kung may kasama ako? Tinitignan kung sinama lang ako ng amo ko? o' hinahanap mo ang motor kong pipitsugin? Eh ikaw? Nahanap mo na ba ang sarili mo na noon pa man ay alam ko nang puro lang hangin?

Sinusubukan mo na bang tumingin ngayon sa salamin? O' sa sarili ay mataas pa rin ang 'yong tingin? Bakit kaya kung sino pa yung hindi naman kagandahan sila pa yung mayabang? Sa buhok na napapanot kasi ang Novuhair hindi pinefacewash para mukha ang kumapal. Pati yang iniingatan mong umalog sa paglalakad, alam na alam ko namang mala-mousepad guard na padding ang iniingatan mong umurong d'yan.

Kung akala mong gumanda ka, hoy hindi! pumangit ka!.  Masaya akong nakawala ako sa uri mo ng pagmamahal, na ikaw palagi ang tama, na ikaw palagi ang masusunod, na ikaw lagi ang masaya, ikaw lagi ang namumuhay sa luho. Habang ako, laging nanghihingi ng oras at pansin mo, nanlilimos ng lambing dahil lugkmok at nagmukha nang matanda sa araw-araw na pakikipaglaban sa buhay at kahirapan.

Masaya akong hindi ko na kailangan danasin lahat ng 'yon. Masaya akong makakahanap pa pala ako ng babaeng malayo sa ugali mo. Babaeng marunong makinig, marunong umunawa, marunong mag alaga, marunong magpahalaga, at marunong mangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa aming dalawa. Pero hindi ko na kailangang ipagmalaki sa'yo lahat ng yan. Bahala na siguro ang tadhana.

Tatayo na nga ako nung bumukas ang kotse ng iyong kasama at agad agad ay sinalubong mo siya ng galak, beso at yakap. Sabi nga ay mabilis ang chika, lalo na sa'yo, mabilis ang pangmamata. Kahit bulungan ay alam kong ako ang inyong pinaguusapan. Kaya napa upo nalang ulit ako kahit ang buko shake ko ay ubos na talaga. Nagulat ka na lang din noong lumapit siya sakin at sinabing-"Alam mong empleyado ko siya. Bakit hindi ko 'to alam?"

Wala ka sana doon dahil siguradong masasaktan ka sa isasagot ko sa aking mapapangasawa.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin