Sa kapit niya sa akin, mas delikado pang magka number two kami kesa sa napapabalitang banta nang pagsakay sa mga pampasaherong bus. Habang nakasandal sa akin, may kiliti kong papakinggan ang pagbulong niya sa akin ng nakaraang mga karanasan rin namin tuwing simbang gabi.
Matatanaw ko mula sa bintana ng bus ang lugar kung saan ko hiningi ang mga kamay niya. Ako naman ang bubulong sa 'king sarili, ano kaya kung maaari kong balikan ang araw na 'yon? Uulan ulit ng luha, at babaha ng kaba sa aking damdamin. Pero napansin kong tumahimik na, nakatulog na pala siya sa aking balikat, ang aking Mahal. Hinalikan ko siya sa noo, kasunod ay ang pagungol niya ng salitang "Mahal."
Natawa ako, hindi sa kaniya kun'di sa aking sarili. Bakit nga ba kasi ako nangangarap ng nakaraan, narito naman siya't hindi ako iniwan. Doon ko naisip, ako pala ang naging masyadong abala at nawalan ng oras sa aming dalawa, ako pala ang tila nakakalimot na. Kinailangan pa niyang ibulong at ilarawan sa 'king isipan na na minsan kami'y naging masaya. Kailangan pa niyang piliting bumangon kahit antok na antok.
Nagkulang nga ako. Ngunit pangako ko sa aking sarili na ang pagsikat ng araw na aming sasalubungin ay pagsibol ring muli ng aming pag-iibigan, pag-ibig na sa paglipas ng mga taon ay lalo pang mapapagtibay. Sa kaniyang pag gising, kasabay ang pagdampi ng liwanag sa kaniyang pisngi, agad s'yang ngumiti sa akin na para bang narinig niya ang new year's resolution ko. At s'ya ay nagtaka sa biglang paghawak at paghalik ko sa malambot niyang kamay habang sinasasambit ng salitang-Maraming Salamat.
Awwww.... sweeeeet! Astig! bigat naman sa dibdib...
ReplyDeletehehe salamat senyor ^___^
DeleteWow! galing Sir!
ReplyDelete