Saturday, December 28, 2013

Sa Tatlong Araw ng Taon


Tulad ng sabi nila, sa huli, sa iisang lugar din tayo magkikita. Hindi 'yon sa langit, kun'di sa sakayan ng jeep. Nakakatuwang isipin, katapat lang mismo ng sakayan na 'yon ang kolehiyo kung saan kita nakilala, taon nang kaligayahang mararamdaman mo't tila nabalikan na rin sa pagtanaw lamang.

Parang bawat paglingon ko sa'yo tuwing naroon tayo matapos ang kaniya-kaniyang trabaho. Kailangang palihim pa ngunit sulit ang bawat pagsulyap ko sa'yo. Kahit saglit lang, naroon pa rin ang bulong nagsasabing ikaw na nga, ikaw na nga ang siyang mamahalin ko ng panghabang-buhay. Sulit ang bawat pagtingin, tulad rin ng tatlong araw na nagpaligaya sa akin, ang pinakamasasayang araw ko sa aking buhay bago pa biglang magbago ang isip mo't sa mismong sakayan na iyon, palihim na ibinalik mo't nilagay sa aking bulsa ang singsing.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. another story about love... romantik ka eh noh? tamis lang! isang father and son story naman ulit jan... nakilala ko na pala in person si panjo ng tuyong tinta!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa SBA kayo nagkita noh hehe galing nga may award siya. sige susubukan ko ulit heheh ^___^

      Delete
    2. Yeah sa sba. Wago siya sa kwentong pambata...

      Delete
    3. nakausap mo rin ba si sir joey velunta? hehe sana nakapunta ako.

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin