Saturday, July 6, 2013

Mabuti Na Lang



Darating sa buhay ang mga problema
Darating sa puntong tila 'di na makakaya pa
Darating ang mga panira sa ating tiwala
'Buti na lang, sa akin mo piniling maniwala

Babagsak ang ambon at agad na babaha
Babagsak ang gusaling matibay lang sa akala
Babagsak na rin ang katatagan kong mahina
'Buti na lang, hindi gumuho ang 'yong kalinga

Magiging bato ang sa isa't-isa'y isinumpa
Magiging malabo ang pagasa sa mga mata
Magiging hangin ang salita, bulong ay bula
'Buti na lang, hindi ka naging mahina

Babawiin sa atin ng panahon ang ligaya
Babawiin ang paniniwala natin sa tadhana
Babawiin ang lahat, wala sa ating ititira
'Buti na lang, nakakapit pa rin at narito ka

Patawad dahil madali akong nagpadala
Patawad para sa lahat ng mali kong nagawa
Patawad dahil alam kong nasaktan kita
'Buti na lang, sagot mo'y "napatawad na kita"

Babalik ang tamis kung tayo'y maniniwala
Babalik ang dati, tayo'y magiging malaya
Babalik tayo kung saan din tayo nagsimula
'Buti na lang, 'di ka nagatubiling sumama

Salamat, tila tayo'y muling nagkakilala
Salamat, ako pa rin ang piniling makasama
Salamat, saya pa rin ang tanaw sa 'yong mga mata
'Buti na lang, hinanap ko ang tunay na ligaya



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

10 comments:

  1. Relate much sa poem mo ...

    ReplyDelete
  2. salamat po sa pagbisita at pagbasa ^__^

    ReplyDelete
  3. Mahusay! Ang galing ng pagkakabuo ng mga salita na nagdulot ng isang malayang kaisipan...

    Buti na lang, nakilala ang isang blogerong tulad mo!

    Salamat!

    ReplyDelete
  4. salamat din sa mga tulad mo kuya Mar dahil nababasa ang damdaming pumapaloob sa bawat pagkakalat ko hehe ^__^

    ReplyDelete
  5. Galing naman:)

    ReplyDelete
  6. maswerte lang na nagkaroon ng ideya. salamat sa laging pagbisita mami Joy ^__^

    ReplyDelete
  7. "Babagsak na rin ang katatagan kong mahina
    'Buti na lang, hindi gumuho ang 'yong kalinga"

    I find sweet.

    Ang ganda ng tulang to. Ang ganda ng konseptong nabuo mula sa temang "buti nalang". galing mo talaga!


    ReplyDelete
  8. salamat tol Pao.. buti nalang nakakaisip pa kong gumanyan-ganyan hehe.. ganito kasi ung hilig ko dati e, 'wan ko ba kung bakit nawawala..

    ReplyDelete
  9. i love this poem... parang byaheng munoz mo nun... hehehe

    ReplyDelete
  10. ou diba? hehe. yung simpleng tula na ayaw maging masyadong malalim may gusto lang ilarawan. miss ko ang ganireng writing mood.. salamat sa backread ah ^__^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin