Maaalala mo ang mga taong hindi mo naman talaga kakilala, sila pala ang pamilya na dapat mong puntahan. Hahanapin mo sila ngunit hindi mo alam kung saan ka dapat na magsimula. Kakapain mo kung may laman ang iyong bulsa ngunit tumagos lang ang mga daliri mo sa butas. Sunod mong sisilipin ang lata, at maaalala mong tatlong piso na pala ngayon ang isang pirasong pandesal.
Sisimulan mo nang hanapin ang iyong pamilya, pero teka, tanong mo sa sarili ay saan nga ba kami nakatira. Wala kang malay na nasa ilalim lang ng tulay ang inyong tirahan, ang bahay niyong naging sukatan na lang kung gaano na ba kataas ang tubig baha. May makikita kang mga bata na hindi malayo sa'yo ang hitsura, gusto mo sanang madiri sa kanila ngunit sumama ka na rin matapos mong maamoy ang iyong kamay.
Nilapitan mo sila ngunit tinakbuhan ka nila. Ikaw naman ay napatulala na lang, tanong mo sa sarili kung ano ba itong nangyayari. Hindi mo alam kung sa anong klaseng mundo ka ba napunta. Kukulbitin mo ang isang matanda at itatanong kung nasaan ka ba. Sasagot siya, "Utoy, nasa Filipinas ka."
Magugulat ka dahil iba ang pagkakabigkas niya sa Pilipinas. Marahil ay ibang lugar nga ito't binabangungot ka lang. Maiinis ka, maaasar at maiinip. Kukurutin mo ang iyong braso upang magising ngunit iikot ang mga pangyayari at isang iglap pa'y naging matanda ka na. Nagsusuklay ng manipis at nanganganib malagas na buhok at inaayos ang iyong damit. Teka, nasa ibang katauhan ka na naman pala at ang mga nasa paligid mo ay hindi mo kakilala. Ang babaeng namamalantsa siguro ay ang iyong asawa at ang batang nanonood ng TV ay ang iyong anak.
Biglang lalapit sa'yo ang babae, aayusin ang kwelyo mo at hahalikan ka. "Goodluck sa paghahanap" nakangiting sabi pa niya. Doon mo naisip na paghahanap ng trabaho ang iyong lakad. Naisip mo ring madali lang 'yan, madamin namang trabaho, tamad lang maghanap ang iba. Pero iba na ang nasa isip mo nung pauwi ka na, dahil hindi mabilang sa daliri ang pinuntahan mo, lahat sila'y pinauwi at tinaboy ka, yung iba tatawagan ka na lang daw, pero wala namang numerong nakalagay sa 'yong bio-data.
Matatapos na ang gabi, naglalakad ka pauwi, gutom na at walang pamasahe. Uupo ka sa labas ng isang night club dahil sa pagod, kawalan na ng lakas at pagasa. Doon mo itinanong sa sarili kung bakit kailangan lagi nating mga Pinoy na maghabol. Ang sagot, ang dapat kasi na kumikilos ay hindi mo mararamdaman kapag hawak na ang buwis na ating pinaghihirapan. Kailangan nating tumakbo dahil marunong silang lumipad.
Dadating pa si Brgy. Captain at lalapit sa'yong kinauupuan, ipapakita niya at ipapaamoy sa'yo ang malutong na isang libong piso at sasabihing "Ayan 'diba? Umuunlad na tayo." sabay ibubulsa ito at iiwan ka doong halos mangisay sa gutom. Siguro nga ay umuunlad naman talaga tayo, 'yon lang, tanging sa kanila makikita ang resulta, mapapangiti ka lang dahil kasama sa nababanggit na maunlad ang nationality mo.
Gusto mo sana siyang habulin at sabihing pera mo 'yon. Gusto mong sabihin na pera yon ng taong bayan, ibigay na lang sana sa'yo kung hindi naman gagamitin sa tama. Pero huli ka na dahil nakapasok na siya sa club at ikaw naman ay hinaharang ng mga gwardya.
Kainis! Sigaw mo pa habang papaupo muli sa gutter sa labas ng night club. Sasampal-sampalin mo ang sarili upang magising na sa napakasamang panaginip ngunit matapos nga ang lahat ng ipinakita sa'yo ng 'yong kunsensya ay hindi ka pa rin natauhan. Malamang ay gigising ka pa ring walang pakialam at mananatiling happy go lucky lang.
Bumusina ang trak ng basura at nagising ka nga sa iyong masamang panaginip, pawis na pawis kahit pa di-aircon ang iyong silid. Napakasamang panaginip! baggit mo pa matapos bumangon sa iyong higaan. Agad na pinakuha mo ang iyong laptop at sinearch ang key word na Filipinas sa google image search. Nilinis mo pa ang iyong salamin dahil nalalabuan o hindi ka lang maniwala sa naging resulta, pagtatakang tanong mo pa sa iyong kasama, "Bakit puro pornographic ang result?"
Hindi man iba sa reyalidad, gawa-gawa ko lamang ang iyong panaginip. Ewan, ko ba, natripan ko lang. Pero ngayong gising ka, malaya kang magdesisyon at magisip. Hindi mo naman ako amo para utusan ka at pagbawalan sa kung anu-ano. Gawain lang ng mga may posisyon 'yon base sa sariling kong karanasan. Dito sa aking Bayan.
woh grabe .. talagang feeling ko at nanaginip ako, nakapikit habang nagsasalita ka at parang tunay ang mga nagyayari ..
ReplyDeleteang galing mo po .. hanga ako sa bawat salitang isinulat mo at nagpabuhay sa isang panaginip ..
:)
siyempre susundan ko na ang iyong blog =D
hmmnnnn.... gusto ko ang kwentong ito... pinakapaborito ko 'yung ending... may pagka-politikal... hmmnnn...
ReplyDeletemiss leeh salamat po sa pagpalow hehe.. susubaybayan ko rin po ang iyong blog ^__^
ReplyDeletesenyor merun nga hehe mahirap lang itago. lalo sa tulad mo ^__^
hehehe .. salamat po.. :)
Delete*happy* nagdagdagan na naman pwends ko... XD
Gusto ko 'yung ideya ng 'ginawan kita ng panaginip.' Surreal na surreal lang.
ReplyDeleteAt sana nga panaginip lang ang mga isyu ng lipunan (maka-political comment lang hehe). Nice!
hehe wala lang talaga akong maisip kapanalig.. dapat nga lugar ang itataytel ko dito eh hehe.. at sana nga magigising din tayo sa panaginip na yan..
ReplyDeletesalamat sa pagbisita at pagbabasa kapanalig ^__^
ms. lee ako din naman masaya't nadagdagan ang kaibigan at inaabangan dahil nakita ko kapwa kita mahilig sumulat. yung kaibahan nga lang e, yung sa akin e pagkakalat hehe ^__^
ReplyDeletepasensya na hindi ako makareply sa mga mismong post.. ganyan ang mga walang pambili ng smartphone :)
hehehe .. ok lang yan .. tenks ulit!!
DeleteIsang bangungot ng realidad! Napapanahon to ser ah! Galing!
ReplyDeleteyun! buti at sangayon kang hindi ito malayo sa realidad kaibigan. yan kasi ang pinaka punto ko dito. salamat sa pagbasa ^__^
ReplyDelete