Masigla ang bati sa akin kanina ng mga kasamahan natin sa pabrika, kamusta ka na raw ba at antagal ka na nilang hindi nakikita. Si Erick ang bestfriend mo palagi ka pa ring hinahanap. Sabi ko sa kaniya bumisita na lang siya sa bahay kung gusto ka niyang makita. Siguro nga, mas makakaangat tayo kung pareho tayong may hanapbuhay ngunit gusto ko na lang na magpahinga ka, isa pa alam mo naman ang sitwasyon natin ayaw kong isipin ng mga kamaganak na inaalila kita. May pangako rin ako sa kanila 'diba? Gusto ko lang rin patunayan na kaya ko, at kaya nating dalawa.
Masaya kaming nagpaalam sa isa't-isa kanina. Kai-zen competition lang kasi ang naganap sa pabrika, walang production kaya walang pagod at umuwing nakasimangot sa amin. Ganon pa man, maagang pinutol ang magandang mood ng lintres na trapik sa kalsada habang sabik na sabik na akong makauwi sa atin kung saan naroon ka. Lalo pa akong nasabik nang makita ang waiting shed kung saan kita noon palaging hinihintay para ihatid pauwi. Ang Saving Shed na naging kwento na rin ng ating pag-ibig. Totoo pala, may mga simpleng bagay na maaaring maging paraan upang alalahanin ang ating nakaraan, may tam-is, ligaya at pighati pero masaya parin akong uuwi dahil alam kong ikaw ang sasalubong sa akin, ang babaeng napili kong mahalin at makasama.
Gustong patakbuhin ng isipan ko ang tahimik na makina ng jeep at iharurot na. Pati ang pasalubong kong lugaw sa pambalot na papel ay pinagpapawisan na rin. May isang babae pang nanakawan ng bag at nginungulngulan ang mga Pulis, paulit-ulit niyang sabi na nandoon daw sa bag na 'yon ang buhay niya, bulong ko naman sa sarili-yung sa akin nasa bahay. Bigla-bigla na lamang umulan ng malakas kahit hindi ko naramdamang lumamig ang hangin. Isang iglap pa, may mga tao nang nagtatakbuhan, natataranta at bakas sa mukha ng ilan ang pagaalala, tulad ko rin. May masamang kutob ako, kaya napagdesisyunan kong bumaba na at takbuhin na ang distansya pang namamagitan sa atin.
Malapit na ako non sa atin, nabuslot pa ako't nadulas sa pababang daan dahil sa maputik. Nagkukumpulang mga tao ang inabutan ko sa tapat ng bahay natin, alam kong madalas namang ganon ngunit sarado ang bintana ngayon upang makinood sila ng Mundo Mo'y Akin. Hindi ko na sila natanong kung anong nangyari, natulak ko pa ang ilan sa kanila dahil nakaharang sa pintuan natin. Madilim ang inabutan kong silid ngunit eksaktong sumindi ang kandila na humaplos ang liwanag sa iyong wangis. Ang anino mo sa bitak-bitak na semento. Ang puting tela na nabahiran ng dugo. At ang malakas na hiyaw mo ang huli kong napakinggan.
Totoo pala, 'pag unang beses ay matataranta ka at hindi mo alam ang gagawin, mabuti na lang at napakalma ako ng mga kapitbahay natin doon at sila na rin pala ang tumulong para ang kumadrona ay madaling makarating. Hindi maputol ang pagpapasalamat ko sa kaniya noong lumabas siya sa bahay. Ayaw kasi niyang tanggapin ang maliit na halagang nakayanan natin.
Tama siya, huwag raw muna kung anu-ano ang iniisip ko, nagingles pa nga s'ya, i-meet ko muna daw ang aking mag-ina. At sa pagbukas ko nga ng pintuan, unang kong nakita ang larawan natin at ang katabi nitong walang laman na picture frame, sa wakas ay malalagyan natin. Hindi pamilyar ang napakinggan kong iyak at napakasaya ko dahil ligtas ang dalawang babae ng aking buhay. Hiniga ko ang aking ulo sa 'yong braso, habang sisi ko ang sarili kung bakit wala ako doon nung kailangan mo ako.. Kahit halatang nanghihina pa, hinaplos mo ang buhok ko...
"Sinisisi mo na naman ang sarili mo." mahina mong sagot. "Si Papa mo talaga oh." kausap mo pa sa anghel natin na tangan mo sa iyong bisig.
Totoo pala, sa araw ng kaniyang pagdating, ang simpleng paghaplos sa kaniyang pisngi ay walang katumbas na ligaya ang hatid. "Biyaya siya ng Diyos sa atin, dapat pagingatan at alagaan. Siya ang anghel na pinadala sa atin. Siya ang Angela natin."
____________________________
"Minasdan mo ako nun at nakita ko sa mga mata mo ang pagsangayon at labis na tuwa. Naalala mo pa ba 'yon?"
"Oo. Syempre naman." nakangiting sagot ni Pia
"Pero totoo pala, kahit pangalawa na may naghahalong kaba pa rin at kasabikan sa akin."
"Ikaw talaga oh. Daig ka pa nitong Angela natin, mas sabik pa siya sa atin eh."
At muli kong papakinggan sa kaniya ang sipa ng aming pangalawa. Parang ayaw ko na ngang umalis kahit pa saglit lang sa piling nila pero kailagan. Sila na aking Pamilya ang dahilan kung bakit mas kailangan ko pang magsikap.
Ano muna 'yung nabuslot? hehehe...
ReplyDeleteewan ko din. nag-shoot ata sa kung anong malalim yung paa ganun heheh. sabaw na sabaw lang eh. salamat binasa pa rin ^__^
ReplyDeleteang ganda .. habang binabasa ko ito, naiisip ko ang sarili ko .. feeling ko ako yung nasa kwento.. pero naisip ko narin na matagal pa ang panahon para sa akin nun..
ReplyDeletekaka inspire :)
Ang linaw linaw nang tumatakbong mga larawan sa aking isipan habang binabasa ko to...
ReplyDeleteCongrats sa pangalawa mong baby.
darating din un ms. leeh pero pwede naman daw dal'hin ang sarili sa hinaharap gamit ang maikling kwento mga tula at sanaysay. advance? hehe. salamat sa muling pagbisita :)
ReplyDeletekuya mar wala pa hehe. yung pagaasawa nga yan ang hindi pa tumatakbo sa isip ko hehe.. salamat po sa pagbasa :)
para kasing totoo eh .. kala ko tuloy kwento mo ito sa totoong buhay .. pero maganda talaga :)
Deletemasyado mong pinupuri, feeling mgling tloy ako kahit pa ang totoo eh sabaw na sabaw hehe. gusto ko nlng sbhin na salamat ^__^
ReplyDeletemahusay na naman to sir. magkikita tayo isang araw sa Batangas. :)
ReplyDeleteisang araw mamamasko ang mga anak ko sa'yo d'yan kaibigan hehe. ^__^
ReplyDelete