credits: ignatian solidarity network |
Halos abot-kamay ko na siya, ang makapangyarihan n'yang kamay na magpapagaang sa lahat ng aking nararamdaman. Pasasalamat ang sa'kin dahil sa wakas ang Santo Papa ay nakita na ko rin. Ngunit mabilis s'yang naglaho sa'king paningin. Ganon din kabilis nagkulasan ang mga taong nakapaligid sa akin.
Hinintay ko ang pagkakataong iyon. Marami sana akong gustong sabihin. Ngunit sa pagdating niya, ang may karapatan ay ang matataas pa rin. Hindi ko na nakayanan, akala ko'y kaya kong tiisin, kung 'di pa nadinig ang pagbagok ng ulo'y walang nakapansin.
"May hinimatay!" sigaw ng isang babae
"Naku patay na yata." dagdag pa ng isang nakakita
Isa lang ang sigurado, dahil 'yon sa gutom, hindi dahil sa init o' kawalan ng hangin.
______________________
"'Yon lamang po." panapos ni Turding-isang matandang kilala bilang palaboy sa mga kalye ng Tramo at Libertad. Nagtataka pa kung narinig ba talaga ng tao ang lahat ng kaniyang sinabi dahil sa layo ng nakalatag na mga mikropono, at halatang nagmamadali dahil 'di sigurado kung may sumagot na sa kaniyang hospital bill.
~~ o ~~
No comments:
Post a Comment