Wednesday, January 21, 2015

Suero


credits: mauro masin
"Matagal na titig, may halong pagiisip kung ngingitian ba siya o' hindi. May takot na hindi maipaliwanag kung saan nanggagaling. Pagtataka at puno ng pangamba ang damdamin."

"Huwag kang mag alala. Nasa tabi mo lang kami." 'ika ni Brandon, kahit alam na wala namang iimikin sa kaniya si Jackie. Pagaalala ni Brandon-'wag sanang maunang humingi ng salamin si Jackie bago pa magbalik ang kaniyang alaala.

Posible ngang malimot ng isang tao ang lahat, dasal ni Brandon-huwang naman sana ang buod ng kanilang samahan. Para sa kaniya hindi mawawala ang lahat nang saya na naidulot ng kanilang pag-iibigan sa kaniya.

Isa pang 'di mawaglit sa kaniyang isip. Ang balak na sanang pormal na pakikipaghiwalay ni Jackie sa kaniya. Bantay niya si Jackie, Nakapikit at nakayuko, 'di alam ang gagawin, humihiling ng isang himala.

Sisi n'ya ang sarili, kung bakit kailangan pang magmaneho ni Jackie sa ganoong kalaliman ng gabi. Sisi n'ya ang sarili, kung bakit mas binigyan n'yang halaga ang trabaho at iba't-ibang mga bagay. Hindi sana nanlalamig, at naghihinala sa kaniya si Jackie . Hindi sana nagkaroon ng lamat ang masaya nila noong samahan.

Ngayon wala na ang lahat ng 'yon sa kaniya, simple na lamang ang hiling niya, ang maging maayos ang kalagayan ni Jackie.

"Kuya Brandon! Umaangat yung dugo sa suero ni Ate!" sigaw ng nakababatang kapatid ni Jackie. Nataranta rin siya, dahil na rin sa biglang sigaw ni Eimee, ngunit sa paglingon niya kay Jackie ay may iniaabot itong papel, kung saan niya pinaghirapang isulat ang salitang "Sorry Babe".

"Sorry sa mga pinagiisip ko, at salamat dahil nandito ka para sa'kin." kapos pa sa hanging sabi ni Jackie.

"Patawad 'din." maluha-luhang sagot ni Brandon, "Pwede ba kitang yakapin?" dagdag pa niya

"Para sa'yo titiisin ko ang sakit." nakangiti kahit halatang nanghihinang sagot ni Jackie kay Brandon. Habang masayang tinawag naman ni Eimee ang pamilya.


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin