credits: sean wroe |
May mahaba at kumplikadong kuwento ang pag-iibigan namin ni Steph, ngunit hayaan nyong paikliin ko na lamang sa inyo. May mga pangakong naging kasing taas ng mga bituin, ganoon din kataas ang pagbagsak, para simulan. All time lovers na 6moths kung mag celebrate ng monthsarry sa isang taon, halimbawa. Suyuan, Bukingan, Tampuhan, Selos, lahat kasama sa usapan.
Ganon pa man ay hindi ako kahit kailan nagsawa sa away-bati status namin. It's actually my advantage to court her for like everyday na ginawa ni Jesus, which I love doing. Kahit pa mahirap ipinta ang ngiti sa mukha niya, I'm here and I'll always do my best, yan kasing ngiting yan ang kukumpleto sa bawat araw ko, yung tipong nasa Bus na ako 'yon pa ring mala anghel na ngiting 'yon ang nasa isip ko.
Kahit pa paminsan parang gusto na niya akong ilubog sa lupa, sungitan, awayin at itaboy. Not to mention sa harap ng mga classmates niya. Hinding hindi pa rin ako magsasawa. Kahit pa ilang bulaklak, kahit ilang pa lunchbreak harana, wala akong effort na pagsisisihan. Kahit pa maging dahilan ng pagtaba n'ya ang mga tsokolate kong peace offering sa kaniya.
College with OJTs na kami. Parang kailan lang noh. Anyways, I can't really say nothing has changed. Nasa Maynila na siya, different school, different course, etc. etc. Hanggang sa makatapos na ako ng pagaaral, ganon na kahaba ang laktawan natin two years course lang kasi ang kinuha ko, four years ang sa kaniya. Kahit pa sa province-ish ako nagtatrabaho non, no problem kung madalas ako ang dadalaw sa kaniya sa dorm na tinutuluyan niya. As usual ang Apoy ng Kalikasan, likas na talagang minsan ay galit o' malambing siya sa akin, kaya sa bawat pagbisita ay hindi sigurado kung ano ang sasalubungin sa'kin, lalo pa kapag natatanogn ko kung bakit siya tumigil pansamantala para sa taon ng klase na 'yon.
Napagusapan na lang rin yang mga pagdalaw-dalaw, it all comes down to this. Isang araw ay sinadya ko siya doon for A rush Marriage Proposal. Doon naghalo ang lahat ng emosyon sa akin, hiya, takot, kaba, at lahat-lahat na. Alam ko naman kasing 50/50 ang pagasang umoo siya. Nakadagdag lang ng 5% ang Yes! Yes! Yes! na hiyawan ng mga estudyante habang nakaluhod ako. Bakit daw ba kasi ako nagmamadali-ang sagot niya. Oo nga naman, heto nga't bitbit pa niya ang 1week supply nilang pinamili galing sa grocery.
I tell her the truth, na I'll be flying to Singapore in 3weeks para doon na manatili para sa trabaho. Sabi ko sa kaniya na mamimiss ko ang away bati namin, lahat ng lambingan, at lahat ng tungkol sa kaniya. Sinabi ko sa kaniyang the reason I never give up, ay dahil alam kong mahal ko siya at alam kong siya ang para sa akin. Pinangako ko sa kaniyang in one year I'll send her to Singapore with me pag tapos na siya sa pagaaral. And She said Yes! and i'm so happy, and the whole JRU Dorm was kinikilig. But then I forgot one thing. To make her promise too na tatapusin niya ang pagaaral niya. 'Coz after that, I never heard from her, na para bang walang nangyaring proposal at all. And then one day when she came to Singapore to see me she had a baby, what's worst is she can't even tell who's the father.
"Nakakabingi ang katahimikan ng gabing iyon, habang mga mata ang gumagawa ng bawat pangungusap. Habang hinahabol ang kabog ng dibdib, at pinipilit unawain ang sinasabi ng damdamin. Gusto ko siyang tanungin, sa lahat ng ginawa ko, kahit kailan ay minahal ba niya ako. Tanong na alam ko namang masusundan lang ng tanong niyang-matatanggap mo pa ba ako?"
~~ o ~~
Ang lungkot ng ending...
ReplyDeleteHappy New Year to you:)
Happy new year ate Joy ^_^
Delete