Wednesday, August 2, 2023

Ang Tulang Hindi Mo Maiintindihan

art credits @behance.net
Pinasan ko lahat ng sakit sa aking likuran
Nilulunok ang lahat ng galit 'pag ikaw ay nariyan
Pinilit baguhin ang aking mga nakasanayan
Ngunit makipot ang kalsada ng nais mong daanan

Sa loob ko, ako ay patuloy na nakikipag labanan
Pagibig na ikaw lang ang nais pagkalooban
Kahit ang sarili ay sinasadya kong kalimutan
Mahirap kasi ang mabuhay ng walang dahilan

Ang tulang kahit kailan ay hindi mo maiintindihan
Madaling isulat kahit matagal na pinagisipan
Parang pagpili mo sa pagkaing nagugustuhan
Nasa hapag kainan dahil dumaan sa iyong isipan

Malalaman mo din lahat ng aking pinagdadaanan
Hindi sa kaparaan na kaya mong pagbayaran
Kapag ang tibok ng puso ay wala na sa bumbunan
Malalaman mong kahit kailan ay 'di ka pinabayaan


~~



posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin