Tuesday, August 15, 2023

Ganito Ba Ang Magmahal?

image credits @istock
Mapapadpad sa kung saan, mababangga sa kung sino 'man, at sa kaniya ay mananatiling nakadikit, kahit ang lahat ay walang kasiguraduhan. Tatlong araw? tatlong taon? tatlong buwan? sino bang nakakaalam?. Mauupo sa sariling paghihirap para siya ay magandang mapagmasdan. Sa sarili ay katanungan, tama ba ako ng taong tinigilan?

Palaging may sukli ang bawat paghihirap. Hindi mo alam kung ito ay pambusog sa gutom na puso 'o sa kaniya'y karagdagan sa mga punyal na naksaksak. Bawat araw itong dadaan sa isip kahit alam mong hindi dapat dahil ika'y nagmamahal. Ngunit anong magagawa kung ang bawat araw ay walang pinagkaiba sa dating kapalaran.

Tulad mo, alam ko din ang aking kagustuhan. Ngunit nahahawakan mo ang iyong hiling habang ako'y mananatiling nananaginip ng gising. Sa talunan ang punta ng bawat kong sugal, walang pustang naiba. Kung bakit pakiramdam kong ang lahat ay nagbubunyi, marahil ay dahil wala akong kahit anong idinaos na maaaring ipagdiwang.

Tatlumpung taon na pala. Paano ako nakarating sa aking pinagdurusa? Napakabilis ng mga kaganapan. Ang kinilala kong tahanan ay hindi na mabilang. Ganito lang ba talaga ang mag mahal? Puro lang ba talaga kabiguan? Lagi na lang ba akong panghihinayangan? 'O sadya kayang malayo ang tingin ko kapag kaharap ko na ang tunay?  

Hindi ko na rin talaga alam. Ang alam ko lang. Simula ngayon. Matututo na akong kapain ang aking kapalaran, at ang mga matang ito, kahit kailan ay wala ng masisilayan.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin