Friday, August 4, 2023

Bato sa Isla

photo credits @gmanetwork
"Hindi ka na sanay ah." Biro ko sa kaniya habang inaalalayan sa mga hakbang. Hawak ang kaniyang malambot at maputing kamay, ibang-iba sa dati pati ang wangis niya, may mga palamuti sa balat at matapang na amoy ng mga rosas sa kaniya. Mula sa pagdaong ng bangka hanggang sa pag ahon ay walang kahit anong imik na maririnig sa kaniya. Dahil siguro hindi naman niya inasahang susundo pa ako sa kaniya, nabalitaan ko kasing darating siya.

Sabi ko, "Dito halos wala namang nagbago." habang kinakalabang lumabas sa bibig na sabihing siya lang naman ang nagbago. "Yung mga bata kamusta na sila?" tanong niya habang pasimpleng inagaw sa akin ang binitbit kong mga gamit niya. Malapit na kasi kami sa dating paaralan kung saan siya boluntaryong nagtuturo sa mga bata sa aming isla.

Si Arianne, Noel, at Randy, nandoon sa labas at nakaabang sa pagdating ng kanilang paboritong guro. Kita ang kagalakan sa kanila ng muling mag tagpo. At sa pagpasok niya sa silid ay umulan ng yakap, kamustahan, at tawanan. Nakakatuwa silang pagmasdan, pero kailangan ko nang tumalikod at umalis habang pinupunasan ang luhang bumabagsak sa lusak na nararamdaman.

Ang sakit lang isipin, kahit sino sa mga studyante niya at kahit sino sa aming isla, hindi alam kung sino ba ako sa hinahangaan nilang maestra. Kahit ako, hindi ko na rin alam dahil parang wala lang ang pagsalubong niya sa akin. Malayo sa aking inasan na baka hindi lang naman ako ang sabik sa muli naming pagkikita. Umasa ako ng taon na mayroon na akong pamilya, pero ang dating ay mayroon lang akong nadisgrasya.

Sira ang pagasa at durog ang damdamin akong uuwi. Sabi ko na, isa lang akong alaala, baka nga mas malala pa. Bato sa Isla, kung saan minsan niyang naisipang sumandal at ipahinga ang lahat ng hirap at sakit na nararamdaman. Kubo kung saan maari siyang magpasarap at magpalipas panandalian. Pagkatapos. Hindi na kailanman babalikan, dahil marami pang kaparaanan, oras, karangyaan, mapagbabalingan, at makakaibigan sa siyudad na nakasanayan . Wala kahit pasulyap man lang sa naging bunga ng aming kubli at maikling pagsasama.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin