photo credits @lightknights |
Naisip ko. Pano kaya tayo nananatiling matatag kahit sobrang hirap nang tumayo sa mga araw-araw nating laban. Pano kaya natin nalalaman na darating din yung araw na iba naman sa ating mga nakasanayan. Yung alam mong magiging masaya ka din at makakaluwag kahit alam mo rin namang napakalayo mo pa para makarating sa iyong mga pinapangarap.
Minasdan ko ang puno sa aking harapan. Puno na may naka dekorasyong mga pailaw. Para lang akong nananalamin sa kaniyang harapan. Matagal nang nakatayo dito sa mundo ngunit walang pinagbabago. Pinayuko't sinaktan ng ilang bagyo, tinuyot at inubos ng ilang el niƱo, nananatiling nandito. Dahil katulad ng kahit sino, alam kong may silbi din ako.
Sinimulan nilang buksan ang mga pailaw ng Puno ng Liwanag, eksaktong dumating ka at yumakap sa akin. Iba talaga ang Diyos. Mamamangha ka nalang sa mga pwede Niyang gawin. Binigay ka niya sa akin at tinapos ang lahat ng pag kukwestyon ko sa aking sarili. Ikaw at ang mga masasayang alaalang binibigay mo ang ilaw na pumapalibot sa akin. Mga ilaw na mananatiling buhay at pupunuin sa habangbuhay natin.
~~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment