Friday, August 11, 2023

Paambon sa Oktubre

art credits @kompasiana
Kamusta ka? Ako naman ayos lang. Alam kong marami kang nararamdaman ngayon, magsabi ka lang sana, hindi ka nagiisa, sabihin mo kung may kailangan ka. Nandyan ang pamilya mo, ang mga kaibigang mo, kung hindi mo alam, maraming ang nagmamahal sa'yo ng totoo. Isa na ako.

Huwag kang magtago, huwag mong itago, wala pang nananalo sa karera ng pagtakbo sa problema, wala pang tuluyang nakapagtago sa mga suliranin na sadyang nariyan sa ating mga buhay. Pag pinagpatuloy mo kasi yan, darating sa puntong ikaw lang din ang susuko.

Kahit kailan, 'wag na 'wag mong isipin na mahina ka. Walang pinanganak na mahina, lahat tayo naaambunan ng mga problema, at may sinasalong bigat. Pero hindi yan para sarilinin mo lang, lahat tayo binibigyan ng Diyos ng kakampi, pwedeng madami, pwedeng isa, basta isali mo na ako sa mga kakampi mo.

Alam mo bang gandang ganda ako sa'yo? Para kang dinesenyo para pagmasdan ko, makita lang kita ay napaka saya ko na, ano pa kaya yung ngumiti kadin pabalik sa akin diba. Kaya kung ano man yang pumipigil sa pagsilip ng mga ngiti mo, kalimutan mo na sana.

Alam kong darating din yung oras na magkakasundo tayo, at magkakaisa ang mga damdamin, na hahayaan mong umambon sa buhay mo ang aking paghanga at pagibig. Walang dadal'hing bigat, bagkus ay ipaparamdam sayo'ng kahit kailan ay hindi kana magiisa. Habangbuhay kitang sasamahan at mamahalin. Higit pa sa aking sarili.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin