Friday, June 7, 2013

marahil nga



Marahil nga ay mga damdaming hindi maipapaliwanag ng salita

Marahil nga ay magsasayang lang ng oras kung pilit isiping babalik ka pa

Kung hindi susubukan,
Para sa'n pa't tumagal ang ating pagsusuyuan

Kung 'di 'man mabago ang isipan,
Sa mundong ito'y mayroon pa kaya akong kalalagyan

Kung para sa'yong ikaliligaya,
Maluwag kong tatanggapin na hanggang dito na lamang

Kung hindi muling mapagbigyan,
Maiintindihang ang sugat na nilikha ko'y dapat pagbayaran

Marahil nga ay hindi tayo para sa isa't-isa,
Kailangan mayroong bumitaw at magparaya

Marahil nga'y paglayo mo ang s'yang itinakdang dahilan
Upang maisulat ang isang madamdaming tula
 
 

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

13 comments:

  1. Huwag kang magtatanong kung bakit sa tuwi-tuwina
    Malayo ang aking tingin, lahat ay di alintana.
    Lumilipad ang utak, isipa'y nawawala'ng sagana
    Hinuhukay pa din ang nakaraan gayong ika'y wala na.

    Maglalagom ang araw. Bangungot ay patuloy.
    Ako'y magpapaka-gago at sasabay na lamang sa daloy.
    Lulunurin ang sarili, imahe mo sa aki'y magu-ugoy

    Gawa nang ako'y isang baliw, di patatapusin itong panaghoy.


    ReplyDelete
    Replies
    1. psst payoyo, relate na relate ka sa tulang pagparaya at bitawan ah hahaha pansin ko lang. Kamusta?

      Delete
    2. Sorry sa pambababoy sa paskil mong ito, Blindpen, pero gusto ko lang bigyan ng isang malaking "P*&^*&%&*^*(&!" tong si Sir Joey.

      Muli, patawad. Ako'y nadala lamang sa tula, at nadadala din ako tuwing pinupuna ang kabasagan ng aking puso sa ngayon.

      Magandang araw ;)

      Delete
    3. hehe okey lang po yun ^__^ curious yta si kuya joey hehe.

      Delete
  2. wow. sana'y gan'yan din ako kahusay manula pero dehins heheh. salamat sa pagbabasa nitong maikli kong tula ^__^

    ReplyDelete
  3. this time di na muna ako mag cocomment sa entry kasi maganda naman.... ang comment ko yung bago mong header..... ASTIG!!!! ahahaha

    ReplyDelete
  4. salamat heheh.. antigo na rin nmn yan, ngawan lang ng paraan para umikot ang elesi haha. parang everyday life lang, paulit-ulit.

    ReplyDelete
  5. hoooooooooiiii ang kewl kaya ahahaha

    ReplyDelete
  6. marahil nga kaibigan :P

    ReplyDelete
  7. ang lungkot naman ng tula :(

    ReplyDelete
  8. madalas tol fiel hehe. malapit nang maging emo blog ang tahanan ko. lol

    konting silip na rin sa mga pinagdadaanan ko. :/ salamat sa pagbisita at pagbasa ^__^

    ReplyDelete
  9. Sa paggawa ng tula, damdamin at karanasan ang pinaghuhugutan. At ramdam ko yan dito habang binabasa ko.

    Namimiss ko na yung gabing mahilig pa akong gumawa ng tula. Yung lahat ng elemento ay pumapasok sa isipan pero mas madalas yung galing sa damdamin

    ReplyDelete
  10. tama kuya joey hehe.. ako rin eh, kung may elemento mang magamit ay isa lang ang sigurado, isa rin yang katha ng damdamin. ito na nga ang pangunahing sangkap. salamat sa pagbasa ^__^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin