Sunday, June 23, 2013

mgssltpbkoambhan?


Tulad nga ng pangako ay muli akong dumating. May hangaring iparating na kung para sa'yo ako'y nandito pa rin. Alam mo na 'yon sa pangungusap ng aking mga mata at alam kong naiintindihan mo rin kung bakit paminsan sa mga araw ng 'yong buhay ay biglaan akong darating, ganon din kung mawawala.

Maraming taon ang nasayang na. At hindi ko 'yon kayang ibalik kung ako lamang ang susubok magisa. Hindi ko sinabing hawakan mo ang mga kamay ko't sa akin ay sumama ka na. Nais ko lang malaman mong narito ako para sa'yo, ako ang nagkamali at ikaw ang mga nasayang kong mga sandali.

Napansin kong lumuluha ka. Pero bakit panatag ng loob ang dulot non sa akin?

Siguro nga. Kaligayahan ko na ang malamang hanggang sa ngayon ay nakakapit ka pa rin sa taling nagdurugtong sa atin. Kahit pa matapos ang hindi mabilang na pagkakamali ko.

Inalok mo ang kamay mo. Pero bakit nagdalawang-isip ako na lumapit.

Marahil ay may mga batong panahon lamang ang makakapagpalambot, sa binubulong ng sariling damdamin maririnig ang mga sagot.

Isang araw ay magsisisi ang isang tao dahil nasayang niya ang isang bagay, isang bagay na hindi niya napansing bumubuhay at nagpapaligaya pala sa kaniya.

Tinutukoy ko ang sarili ko..

At ikaw ang napahiwalay na buhay ko.

Ikaw nga ang buhay ko. Ngunit gusto ko lang din ibigay sa'yo ang buhay mo. Kung kaya nga ang malapit lang na distansya natin ay isang dekadang pagitan na rin. Isang muhon na pilit maglalayo sa atin para sa ikabubuti mo rin. Alam kong sa buhay ay marami kang nais marating.

Kahit kailan ay wala akong tiwala sa sarili. Wala  akong tiwala sa mga kaya kong gawin. Kahit pa para sa atin.

Hiling ko na lang isang araw sa aking muling pagbabalik sa buhay mo. Pareho tayong nakangiti at may kalayaan sa ating mga dibdib.

Maligayang pagtatapos.

~~ o ~~

Utang kay RED para sa kaniyang Isang Dekadang Pag-itan



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

9 comments:

  1. Ka touch naman, pero bakit dapat pigilan ang love in between?

    ReplyDelete
  2. dahil kailangan siguro mami joy. maaaring ipilit pero pakiramdam ko pa rin e hindi tama. salamat po sa komento ^__^

    ReplyDelete
  3. sa'yo itong muhon. sa lugar mong gusto ito dapat ibaon at sa paraan mo ito dapat dugtungan. para sa pagbabalik ng mga alaala, hindi ka maliligaw sa pag-iisa-isa.

    salamat sa mga papuri at pagbabasa. Hindi ka pa nangungutang, bayad ka na.

    ReplyDelete
  4. maaring pagpipigil dahil naghihintay ng tamang pagkakataon. Pero dito sa nababasa ko nagpipigil sumuko at nagparaya na kaagad. Sa ganitong aspekto maraming agam-agam na maaring humantong sa panghihinayang.

    Kayong dalawa ni Red lagi nyo akong dinadala sa ibang dimensyon habang nagbabasa ng mga isinusult ninyo. Sana mag-update din s'ya nang madalas. Nainspire akong magsulat dahil sa kababasa ko ng mga isinusulat ninyo. Maraming salamat.

    ReplyDelete
  5. inakala ko walang bibisita sa post na ito dahil personal at hindi ko na inisip ang gramar, rhyming at lahat-lahat. ewan ko ba, yung pakiramdam na kelangan ay masabi mo ang lahat sa kahit anong alam mong paraan ay sumapi sa akin. kita naman na andaming mali pero salamat sa papuri niyo Red at Joey.

    Pwede pala talagang ang tinitingala mong mga tao ay pupuri rin sa'yo pero hindi mo naman alam kung bakit. Mga katulad niyo rin ang dahilan kung bakit 'di na'ko napunta ng national bookstore haha. kaya kuya joey dalasan mo rin ang update ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung balarila sir mainam na gamitin kapag pormal na sulatin. Sa akdang ito, mas lalo itong gaganda kung tama ang balarila. Ang mahalaga sa akin dito ay ang emosyon ng nagsusulat.

      Hindi na ako nagsusulat dahil naiisip ko pa lang pinipigilan ko na rin. Nakakulong ako ngayon sa de-kahong pagsusulat. Hindi ako malaya. Istrikto ako sa sarili ko kaya wala nang lumalabas sa kokote ko. Lalong lalo na sa sukat at tugma sa panulaan.

      Delete
  6. ehem... binata na si aldrin! nagmamahal... dapat hindi pinipigil...

    ReplyDelete
  7. wow...ganda ng header mo...

    ReplyDelete
  8. hehe ou kaya natuto na ring huwag sarili kaligayahan lang ang isipin ;p

    salamat medyo matagal na yang header pero di ko alam kung bakit minsan ayaw mgpkita sa blogger. nhhirapan ytang iload. nwawala-wala eh. mahiyain din haha.

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin