Sabik nga ako kaya ang ating haring araw ay naunahan ko pang umahon
Gumising sa isang umaga ng linggong minarkahan pa sa aking kalendaryo
Hikab, talun-talon, kaunting padyak-padyak at unat ng katawang inaantok
Batid kasing malamig na tubig ang sunod na kakaharapin sa aking pagligo
Pagagandahin ng mga ibong istambay sa bintana ang simula ng aking agahan
Gigisingin ng kape ang diwa kong tila naroon pa sa malambot na higaan
Sa unang higop ay napaso ang labi, nabigla at ako'y natauhan
Nalimutan palang magpasalamat muna sa itaas para sa isang umagang kay inam
Binuksan ko ang pridyider ngunit puro karne at delata ang bumulaga sa aking harapan
Naisip na kung narito si Inay pagsasabihan na naman niya 'ko tungkol sa aking kalusugan
Kung malalaman niyang binabalewala ko ang mga sa akin ay ipinagbabawal
Malamang nakayuko na naman ako sa isang tabi at maiging pinagsasabihan
Ihahanda na lang ang aking sarili at isisintas ang sapatos kong pantakbuhan
Ikukundiyon ang katawang itinadhana yata upang magpuyat para sa kabuhayan
Kukunin ang ibinasket na mga prutas sa mesa at ang mga bayarin namin sa ospital
"Parating na 'ko d'yan Inay" sana ngayon ay mas maayos na ang 'yong kalagayan
~~ o ~~
Subok sa Nakaapat na si Iyakhin, Pumayat kana ba?
SHUT UP AND BURN

salamat! :)
ReplyDeletesalamat din po ^__^
ReplyDeleteoh my! this is my winning entry! ikaw na ang makatang kwentista! galing! I love the ending...
ReplyDeleteAdvance Congratulations!
hala may congrats. eh plgay ko nga mas may k pa ung entry mo e pramis. pero ou nga nuh, may kwento pa rin palang nabuo. salamat ^__^
ReplyDeleteMagaling ah! Goodluck sa entry!
ReplyDeletesalamat po kuya Mar ^__^ sali ka din po ah.
ReplyDeleteUy may entry ka pala. Goodluck para dito sir! Di ako nakahabol nalate yung post ko.
ReplyDeleteYung unang saknong 24 ang sukat, akala ko tuloy-tuloy hanggang dulo sayang naman. Tapos walang caesura sayang rin.
Anyway, yung nilalaman na ang panlaban. Mainam mukhang papasok nga ito.
hindi ko na iniisip kung may laban ito.. okey na yung nakasali heheh... hindi nga? pero nasa listahan ng kalahok ang link mo. kaya nga ngayon lang ako napadpad sa tahanan mo may update ka na pala.
ReplyDeletesaka yung pinagbabawal na internet ko kasi ay natimbog na haha ^__^