Apat na taon na pala ang lumipas mula noong araw na sinabi ko sa'yong sa bawat minuto ng buhay ko ay gusto kong kasama kita. Ano na ba ang mga naganap mula noon? Bakit hindi ko ngayon mapatunayan ang matatamis na salita kong binitawan? Ano na ang nangyari sa atin? Unti-unti nang nawawala ang pagmamahalang namamagitan sa atin.
Magisa kong tinatahak ang daan ko pauwi na noon ay hawak kamay nating nilalakad, may mga ibon pang umaawit at umuulan ng puso sa ating mga damdamin. Kung hindi lang kailangang bumitaw ay hindi na natin gagawin, wala nang mas mahalaga pa sa bawat oras na tayo'y magkasama. Malungkot dahil hindi ko na rin alam kung saan na ba napunta ang mga ganong alaala natin, tulad ng palaisipang ang lunitiang halaman ay hanggang kailan ba mamumulaklak, saan na napunta ang masasayang pangarap? Lalapag rin pala tayo mula sa kinasasakyan nating ulap.
Nasa opisina pa ako kanina nung mabasa ko at maisip na ako pala ang kinakausap ni JonDmur sa kaniyang akda. Wala na kasi tayo nung spark na tinutukoy niya. Naging pabaya ba ako? Mas inisip ko ba ang reputasyon at trabaho ko kesa sa'yo? Andamot ko naman pala. Kahit kailan kasi ay hindi ka nagkulang sa pagunawa sa akin, ngayon ikaw pa itong napagkakaitan ko ng oras at panahon. Mas inuna ko pa ang pagintindi sa trabaho kong sa bawat taon ay ihinahawig ako kay Albert Einstein. Mabuti sana kung nakuha ko rin yung husay niya at talino, pero yung buhok na hindi kilala ang sunsilk at wringkles lang ang nakukuha ko sa pagiging araw-araw na abala. Oo nga't para sa atin din naman 'diba? Pero may nakalimutan pala akong isang bagay. 'Yon ay ang pangako kong hindi sunod sa'yong uunahin ang anumang bagay.
Hindi na rin masagot si Bamboo kung ano na bang balita sa TV, ang alam ko nalang sagutin na tanong ay kung mago-O.T ba ako o hindi. Sabi pa kanina ng aplikanteng si Jeffrey, "Hindi ka ba nasasakal sir? Parang ayaw kang pauwiin ng maaga, lahat naghahanda na ng paguwi, lagi po bang ikaw ang naiiwan dito sa HRD?"
"Kapag pamilyado ka na maiintindihan mo rin." may kaunting yabang na sagot ko sa kaniya
"May asawa at dalawang anak ako sir." bawi ng aking kausap
Inayos ko ang aking kurbata bago makasagot muli sa kaniya, iniisip kung saan ba maaaring iliko ang topic na aming naumpisahan. Naalala ko sa kaniya yung sarili ko noong nagsisimula pa lamang ako sa kumpanya, hindi takot magtanong at feeling close sa lahat ng nakakasama. Iba na kasi ngayon, kapag biglang umulan ng tubig mula sa tubong naka-abang sa kisame, ibig sabihin may plastik na nasusunog. Kapag tumagal ka sa impyernong cool lang ang temperatura sa day1 to day7 malalaman mong wala ka palang pwedeng pagkatiwalaan, mawawalan lang sila ng sasabihin sa iba tungkol sa'yo kapag may hindi kakilala silang nakasabay kumain sa canteen. Unti-unting aangat ang init sa worksite na noon e tinatanaw mo bilang dream job, ang magtrabaho para sa opisina.
Ano nga bang pinaguusapan ng mga palakang ito tungkol sa akin? Malamang ang hindi pa rin natin pagkakaroon ng anak Irene. Biglang nainggit ako kay Jeffrey. Nasukat ko pa ang tapang niya nung iabot ang resume niya sa akin, dahil may kataasan ang posisyon na inaapply niya kahit pa mismatch 'to sa kaniyang work experience. Natanong ko tuloy siya. "Hindi ka ba natatakot na 'di matanggap? May mga aplikante kasi na para sa trabahong ito talaga ang kinuhang kurso."
"Kung hindi man ako matanggap dito sir marami pa naman 'diba? Lalapag din po ang paa ko sa tamang lugar dahil alam kong ito talaga ang para sa akin." malinis na sagot niya
Bumilib ako sa pagkatao ni Jeffrey, hindi man siya ganon kasipag sa pinapaalam ng kaniyang background alam kong may control siya sa maraming bagay, alam kong kaya niyang sabayan ang lakad ng buhay, yung tipong- Easy lang. Darating tayo d'yan.
Natanggap siya, ako mismo ang nagsabing piliin siya at lubos ang saya ko na makatulong sa isang tulad niya. Binawi ko na rin ang aking o.t, sa kwarto ng direktor na ako dumertso upang kaharapin ang papel na dapat sana ay matagal ko ng pinirmahan.
_____________________________
Apat na taon na pala mula noong masaya nating ipinagdiwang na natanggap ako sa trabahong ito. Ngayon ay magisang naglalakad ako, bitbit ko ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Uuwi na ako sa'yo. Bubuhayin kong muli kung ano ang mayroon tayo.
Sinubukan pa ng malakas na buhos ng ulan ang tatag ko. Hindi siguro. Hindi na mababago ang desisyon ko ng kahit pa pinakamalakas na bagyo. Naging malaki ang pagkukulang ko sa'yo sa mga nakalipas na taon. Ikaw ang buhay ko. Naiintindihan ko na ngayon ang malaking pagkakamali ko. Sa bawat hakbang ay umaasang mapapatawad mo pa rin ako.
Sa wakas ay narating ko na ang tapat ng ating munting bahay pangarap. Tinanggal ko at itinapon ang suot kong kurbata, basa ang buong katawan at kasuotan. Sa kabila ng lamig napangiti pa rin ako dahil naroon ka't alalang-alala para sa akin na mukhang basang sisiw na sa gitna ng ulan. Mainit na halik ang isinalubong mo matapos ibalabal sa akin ang tuwalya, ang halik na 'yon ay mayroong tamis na tulad ng sa unang halik natin. Nangungusap pa ang mga mata mo at nakangiti ka sa akin sa hindi ko pa naunawaan agad na kadahilanan. Ang masayang balita pala ay dinadala mo na ang ating kaunaunahang prinsesa.
Irene hindi na darating ang isang araw na hindi ka magiging laman ng aking isipan. Bukas, makalawa, makakahanap din ulit ako ng panibagong trabaho, at sa pagalis ko'y aayusin mo ang hindi nakaayos na kurbata ko. Hihintayin niyo ako, may sabik na babalikan ko ng maaga ang dalawang babae ng buhay ko. Magiging masayang pamilya tayo.
family first before all other things ;-) kahit trabaho pa yan.
ReplyDeleteeksakto hehe. pamilya ang una sa lahat. ^__^
DeleteAwww, napahanga mo na naman ako sa munting katha mo na ito Aldrin :) *pats shoulder*
ReplyDeleteSa sobrang kabisihan niya sa kanyang trabaho ay nakalimutan na niyang may pamilyang laging naghihintay na mapansin at pagtuonan niya ng kahit konting pansin.
Masaya naman nag wakas ang kwentong ito. Natuwa ako na hindi ipinagpalit ng pangunahing tauhan ang kaligayan ng kanyang pamilya sa trabaho niyang laging numanakaw sa kanyang oras.
Gujab!
salmat kaibigan at naibigan mo't naunawaan ito. nakakatuwa dahil may mga tulad mo na kahit sabaw ang naihahain ko nakikitaan mo pa rin ng saysay. tulad ko kahit kailan hindi ko tinuring na wala ang mga gawa ko. akin yan eh hehe. ^__^
Deleteay buong panahon na binabasa ko to pinipigil ko maluha dito sa opisina...hahaha
ReplyDeletemedyo naguguilty naman ako sa post mo..basta...basta talaga ayoko na dagdagan comment ko..hehehehe...
naku naku. mahalin mo yang trabaho mo't pamilya, wag mo na lang isipin ito dahil fiction lang naman 'to, resulta lang ng pagiging sabaw ko. ^__^
Deletefiction pero malaki ang pakakahawig sa totoong buhay..o dahil guilty lang ako? hehehehe...actually, may impak tong post mo sa mga naging desisyon ko nung nakaraan :)
Deletesana eh nkabuti hindi nakasama hehe.. dahil lang kasi 'to nung minsang may nagsabi sa akin sa work "binata ka pa kasi eh".
DeleteWe have to always know our priorities. May nabuo saking mabuting plano pagkabasa ko nito.
ReplyDeletetama. at salamat sa pagbasa tol olvr ^__^
Delete