_____________________________
1.) Ang depinisyon ko ng musika?
Gaya nga ng una kong nasabi bahagi na ito ng buhay. Kung bakit noong bata ako'y nagpakahirap akong magrecord sa radyo at ayusin ang mahabang buhol ng tape oras na kainin ang bala ay dahil handa 'kong gawin ang risk mapakinggan lamang ang mga paborito kong tugtugin (haha). Magkakaiba tayo ng kinalakihan, merong iba na inabot ang plaka days ako naman sa cassette days ngayon shuffle days na marami na ang paraan para mapakinggan mo ang hilig mong tugtugan. Pinapadali na po ang mga bagay-bagay ngayon ganon din sa musika, dahil alam nila na malapit ito sa ating mga puso. Para sa akin, ang buhay ay patapon na pag wala itong musika, seryoso.
2.) Anong genre ng musika ang pinakikinggan ko?
Indie ang pinakikinggan ko, bale mga tugtugan po ito na walang sinusunod na genre, kumbaga sa pagsusulat ay freewriting. Maraming mga Pinoy Bands nag ganito at nagugustuhan ko yung mga ginagawa nilang musika dahil pinaka litaw doon ay yung pagka malikhain nila. Kahit noon ay ganito na yung pinakikinggan ko, malungkot kasi nawala na yung mga Philippines Radio Station na nagpapatugtog ng mga ganitong klaseng genre.
3.) Kung ako'y isang awit, anong awit ako at bakit?
Isang awit para sa halaga ng awitin. Kung magiging isang awit ako, ako yung awit na maglalarawan din kung gaano kahalaga ang mga awitin, magulo pero ganon. hehe
4.) Kung may musical instrument kung saan gusto kong maging bihasa, ito ay ang.....
Ang keyboards. Simpleng pag-gigitara at drumms lang kasi ang alam ko. Bata palang ako gusto ko na matuto mag-keyboards pero ayaw niya sa akin eh kaya kapag may oras nagpapaturo pa rin ako sa mga kakilala ko.
5.) Baduy ba para sa akin ang mga kantang OPM (Original Pinoy Music) considering na akong kang Pinoy?
Hindi syempre gawang noypi yan eh. Isa pa ang wikang tagalog ay napakadaling sakyan, at sarili po natin yan, yan ang ginamit ni Juan Dela Cruz. Napansin ko rin mas may kapangyarihan ang OPM magpaisip sa mga nakiking, mas may kakayanan magpalalim kesa sa ingles. Marami nga lang bandang pinoy na hindi na ganon ang ginagawa ngayon, basta may lyrics e okey na yan.
6.) Kung may isang stanza ng kanta na magsasabi ng tunay na nararamdaman ko ngayon, ano ang stanza na iyon, saang kanta galing at bakit?
ito po..
Galing sa kantang Salita na inawit ng Angulo
Nais mo bang lumipad palayo
Bilanggo na ngayo’y nakagapos
Na lamang sa pait ng mundo
Yakap ay lungkot
Yan po mismo ang nararamdaman ko. Parang kausap ako ng lyrics na ito. Makikita na rin sa lyrics kung bakit. :(
_____________________________
Ibinabahagi ko ang award na ito sa mga kaibigan, kung pwede lang po sana lahat e.
Amphie ng Modernong Pluma
RED ng MUHON
vintot ng Upod na Lapis
Senyor Iskwater ng Kwentong Iskwater Mula sa Iskwater
panjo ng tuyong tinta ng bolpen
Pao Kun ng To infinity and beyond! Pangkalawakan!
~~ o ~~
kulang pala ng isa. di ko maedit. sorry po.
ReplyDeleteEhehehe ok lang naman yun kaibigan. Oiii maraming salamat ha.
ReplyDeleteako ang dapat na magpasalamat e. hehe. ^__^
Deletetoink no need :D ok lang kaya ahaha
Deletehaha, ayos! pwede ba sumali dyan kapanalig?
ReplyDeleteou naman trops. spread the love, love for music hehe.. ^__^
Deletesalamat naman sa tag... yeah!
ReplyDeletewalang anuman yun senyor. ^__^
ReplyDeleteCongrats din sa award mong ito Aldrin :))
ReplyDeleteI'm glad na malaki din ang paghanga at respeto mo sa OPM *thumbs up*
salamat din fielkun at kay ric ^__^ syempre suporta sa OPM, at sa Philippines Indie Musik.
ReplyDeletegawin niyo po ang dapat niyong gawin. hindi ko magawa ang akin dahil cp mode lang po ako.
ReplyDelete