Umuulan ngunit tipikal nang malamig ang aking mga gabi, malamig pa rin kahit pa ngayon ay hindi mo na ako inaagawan ng kumot. Katabi kita, maraming unan ngunit mas gusto ko pa rin ang init na nakukuha kung ikaw ang kayakap. Nandoon ka ngunit hindi na nakukulitan sa pagiging malikot ko sa higaan. Hindi mo na magawa yung tulad ng dati, papatayin mo ang sindi ng ilaw pagkatapos ay hahalik sa mga labi ko.
Nais pumasok ng ingay ng ulan sa ating kwarto. Maging ang mga nagsasabing mali ang magsama pa rin tayo ay nandoon sa labas at ayaw tayong tigilan. Ang pintuan, bintana, pati ang singawan ng baho sa banyo lahat sy tinakpan ko't isinarado. Salamat at nandito ka pa rin, makakaasa kang ganon din ang gagawin ko, hindi kita iiwan. Hindi ako papayag na ilayo ka nila sa akin kailanman.
Pinagmasdan kita. Nakaharap ka sa akin, pikit ang mga mata at tila nananaginip lamang sa ating malambot na higaan. Nawala man ang kulay ng labi ay hindi ako nagdalawang isip na dampian ito ng halik. Ang labi ng babaing pinangakuan kong hindi kailanman iiwan.
Paulit-ulit nilang sigaw sa labas na tanggapin ko na ang mga nangyari. Wala ka na raw. Tama sila sa isang bagay, tama sila, wala ka na. Pero alam ko na isang araw ay magsasama tayong muli dahil nandito ka pa rin at mananatili ka sa puso ko. Bigla na lamang ay naisip ko, ano pa nga ba ang dahilan para manatiling gising ako dito at maghintay sa pagkakataong 'yon kung maaari namang ngayon na mismo.
awts? nahilo ako sa kwento... tama ba ang pagkakaintindi ko. iniwan na sya ng mahal nya at alaala na lamang niya ang kasama nya sa silid? ahahaha ito yata ang epekto ng laging kulang sa tulog ang bagal ng rehistro ng binasa ahahaha
ReplyDeleteaw hindi ikaw ang problema tol rix kundi ung gawa ko. ganito na nga ba pag sabaw ako haha.. yung babae patay na pero katabi pa rin niya sa kama, kaya niya sinarado ang mga pinto dahil may mga tao sa labas na nakakaalam na patay na ang asawa niya, kailangan na siyang ilabas.
Deleteahaha uu nga, binasa ko ulit. Sorry naman nawala ako sa track. Inaantok na kasi ako ngayong katatapos kulang kumain eh medyo naintindihan ko na sya :D
Deletegood. kasi binasa ko rin ulit, hindi ko rin naintindihan hahah.. anyways salamat sa pagsasayang ng oras mo dito kaibigan. itutulog sana e hehe. ^__^
Deletegrabe sya oh..... ahahaha di naman ikaw talaga :D
Deleteheheh. salamats ulit kapanalig. ^__^
Deleteteka, patay na dito ung girl diba? pero ung lalaki still hoping na buhay pa siya? hehehe...nung una akala ko ung storya ay about sa nag-iibigan na buong mundo ay hindi sangayon sa pagsasama nila, pero ang galing kasi nalihis at hindi ko inexpect na ganun pala ang stoya :)
ReplyDeleteparang hindi ko naman yun sinadya hehe. yung ideya kasi ay mahirap iexpress at fictitious kaya siguro nadala na ng pagiging ganon. ganon pa man maraming salamat sa pagbabasa kaibigan. ^__^
Deletekinilig ako. kahit na feeling ko may multo sa likod ko habang binabasa to. hehe
ReplyDeletehehe may kilig ba talaga. salamat sa pagdapo kapanalig. ^__^
DeleteAng lungkot naman po, pero may twist at first pinakita mo kung anong dinaanan at pinaglaban niyo para magkasama kayong dalawa but in the end mawawala din pala yung pinaglaban mo at pinagaalayan ng buong buhay.
ReplyDeleteganon na nga po. masasayang lang pala ang lahat. kaya dapat pahalagahan ang bawat oras na nariyan pa. ^__^ salamat po sa inyong pagbisita.
Delete