Sunday, April 7, 2013

Sagwan


Alam kong hindi ito ang tamang oras. Paumanhin kung kailangan kong putulin muna ang paglipad ng iyong diwa. Gising na. Isasama kita sa lugar kung saan tayo ay malaya, masaya, walang hahadlang sa pag-ibig at samahan na ating iningatan.

Nahawakan lang ang kamay mo'y malayo na ang aking nalakbay. Nakangiti ka na para bang walang takot man lang na dumadapo sa 'yong puso't isipan. Tinitigan ko ang iyong mga mata, natanaw ko ang masayang buhay kasama ka. Sinimulan mong itapak sa loob ng bangka ang walang sapin mong paa na tulad rin ng dahilan kung bakit inibig kita, nadudumihan man dulot ng mahirap na pamumuhay ay nananatiling malinis ang puso, pagkatao, at dangal.

Sa pagdampot ko ng sagwan ang maamo mong mukha ang nagsabing walang dapat na ikatakot, gagawin natin ang idinidikta ng ating mga damdamin. Kapag nagsama ang dalawang pusong walang pagaalinlangan, sa huli ay walang dapat na pagsisihan.

Bilog at maliwanag ang buwan. Kalmado ang tubig at kasundo ng hangin ang puti mong balabal. Ang mga puno't halaman ay hindi na rin binalak na maging hadlang sa ating daan. Sa aking marahan na pagsagwan, sila ay saksi sa desisyon na magbabago sa ating mga buhay.

Tinanaw mong muli ang inyong barong sa huling pagkakataon. May bigat at lungkot man ang pagiwan sa kinalakihang pamilya at tahanan, sinabi mong kapag tunay na pag-ibig na ang nagsalita, dapat sundan ang agos at huwag matakot kung saan ka nito maaring tangayin.

Isasama kita. Hindi ko sasayangin ang lahat ng ating sakripisyo para sa ating pagmamahalan. Mahal kita, at sa ating paglayo, patutunayan kong mali ang iniisip nila. Patutunayan kong sa tunay na pag-ibig, hindi masama at hindi hadlang kahit pa ang pagitang langit at lupa.


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

17 comments:

  1. hmmmnnn... Tanan ba ito?

    In love ka ba? 'Yan tayo eh... work muna! hehehehe

    Magaling ka talaga! Ganda!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ou tinangay na sa syudad hehe.. feel ko lang magpaka tubong probinsiya. salamat ^__^

      Delete
  2. Huwaw, iba ka talaga Alrdin. Grabe ang galing mo talagang lumikha ng ganitong uri ng mga sulatin.

    Tara at sumakay tayo sa bangka ng pag-ibig. Sabay tayong sasagwan at sabayan ang agos ng buhay ^_^

    (nagiging makata na din ako lols)

    Keep it up buddy!

    Salamat din pala at ako'y kabilang na rin sa iyong mga kapanalig :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman, maalam lang hehe. wala yun, maliit na bagay lang kumpara sa madalas mong pagbisita, ako ang dapat na magpasalamat ^__^

      Delete
  3. :D isang magandang kwento ng pag-ibig na handang ipakita sa mundo na kaya nilang gawin lahat basta magkasama lang ang dalawang nag mamahalan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tumpak! salamat. lagi akong napapangiti ng iyong komento. kuhang kuha mo ang aking mga punto ^__^

      Delete
    2. nyahaha :D ganun talaga umi-enternalize kapag nagbabasa :D

      Delete
  4. Pag ibig nga naman... lahat gagawin.... kahit sumabay sa agos... ang mahalaga di natatakot sumabay sa agos kahit saan makarating...

    parang ung mayaman na sumama sa mahirap....handa niyang iwan ang lahat para sa pagmamahal... hindi siya matatakot na sumama dahil naniniwala siya na hindi siya pababayaan.... ganyan dapat pag nagmamahal ng tapat

    parang ganun hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. eksakto sir Jon. may tiwala sila sa isa't-isa at gusto nilang patunayan n mali ang iniisip ng mga magulang ng babae na kapag mayaman may habol na kung ano lang sa kanilang anak. balang araw babalik sila bilang isang masayang pamilya. ganun po hehe ^__^

      Delete
  5. Anonymous20:53

    Ayus! Habang binabasa ko to parang may pelikula sa isip ko na nabubuo..hehe..iniisip ko lang, storya mo ba to o kathang isip lang? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. nung ginagawa ko din ito e may sweet scene na umaandar sa isip ko, sumabay lang ako sa agos ng pangangarap ng gising. naku imposible mangyari sa akin yan, mahiyain kasi ako sa mga babae hehe ^__^

      Delete
    2. Anonymous20:45

      e di sa lalake na lang, lols! try mo kaya sumali sa mga pakontest na mga storya, malaki tyansa mo...

      Delete
    3. haha naku mahiyain ako pero pinanganak lang para sa babae hehe ^__^ sinusubukan ko namang sumali, marami lang talagang magagaling sa mundo ng blogging, gabuhok lang ako pramis po :))

      Delete
  6. parang scene sa the notebook yung nag appear bigla sa utak ko after basahin ko to :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. the notebook? pamilyar sa tenga. pero di ko sure kung napanood ko na hehe. google mode, baka sakali panibagong ideya ang dala n'yan. ^__^

      Delete
  7. peyborit! wala bang peyborit o like button to? hhehehe

    hay pag-ibig :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. aww natanggal ko na. wala kasing nangahas pumindot hehe. hindi na rin ako mkapag computer busy kunwari haha. salamat sa pagbasa kaibigan. ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin