Sabi sa mga libro kahit daw baligtarin pa ang mundo ay magmamahalan pa rin si Samson at Delilah, kahit sa kabila man o sa panibagong buhay, ganano ito ka-posible? Gaano ito ka-totoo? Ang meant to be ba ay magfufunction pa rin kahit ilang beses nang subukan itong tibagin ng malikot na tadhana at guluhin ng umiikot na mundo't umaandar nitong oras? Dahil rin ba dito kaya hindi na nagmahal ng sinuman si Rose simula noong lumubog ang maalamat na Titanic? Kaya rin ba nagsimula nang pamugaran ng kuto si Rapunzel sa paghihintay sa kaniyang knight riding a kabayo? Ganito pala katindi, hindi nag aalinlangan tangayin ng maraming kuto at kahibangan nila ang lahat para d'yan sa meant to be na yan.
_____________________________
"This is reality" sabi ko sa'yo noon matapos mong sabihing meant to be talaga tayo. Kung iisipin kasi ay para talaga tayong pinaglalapit ng tadhana, naging magklasmeyt tayo buong taon sa elementarya, matapos ang elementarya dahil nagsisimula sa magkaparehong letra ang ating apelyido ay apat na taon ring magkaparehong klase ang pinasukan natin sa buong hayskul. Akalain mo, nagkasabay pa tayong kumuha ng exam sa college na pareho pala nating papasukan.
Lagi mong sinasabi sa akin noon na meant to be talaga tayo, para talaga tayo sa isa't-isa. Naniniwala ka pa rin ba sa mga sinabi mo noon? Huwag mong pansinin ang mga luha sa mata ko, hindi ito pagpapaawa o anumang katulad non, naaalala ko lang kasi yung tayo noon, masaya, walang mga problema, at madalas ay nandito rin tayo kung saan mismong tayo'y nakatayo ngayon. Tinawag mo ang lugar na itong Taimtim na Mundo kung saan sinabi mong nalilimutan mo ang lahat ng gumugulo sa'yong isipan, kung saan sinabi mong malaya ka at walang makakapigil sa lahat ng mga nais mong isigaw. Dito natin ipinakilala sa umaagos na tubig sa ilog ang ating pagmamahalan, ibinulong natin sa ihip ng hangin ang pagibig na walang hanggan.
Mabuti pa ang ilog may sinusundan sa kaniyang pag-agos, samantalang sa ating buhay hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari kinabukasan. Mahirap sakyan ang mga pagsubok ng buhay, kung minsan ay nais ko na ring sumuko sa kawalan ng pagasa ngunit hindi ako nagpatalo't ipinangako sa sarili na mamahalin ka sa bawat araw ng aking buhay, kahit pa ang bawat araw ay panibagong simula para sa atin, hindi ako magsasawa na mahalin ka.
_____________________________
Angkas kita sa aking motor, tanaw na natin ang kahabaan ng ilog noong araw na 'yon na papunta tayo dito. Dama mo na ang masarap na simoy ng hangin at itinaas mo pa nga ang kamay dahil namiss mo ang feeling na ganon. Kasabikan rin ang naramdaman ko non dahil ilang araw tayong hindi nagkita dahil sa pagiging abala sa kaniya-kaniya nating Thesis. Kasalanan ko ang lahat, sa pagliko ay 'di ko napansin ang papasalubong na kotse sa atin.
Hindi ko na maalala ang iba pang mga nangyari matapos 'yon, ikaw naman ay walang alam tungkol sa mga nangyari, nagising ka mula sa coma, akala ko doon ay ayos na ang lahat, ngunit sinabi ng mga doktor na naapektuhan ang utak mo at ang memorya mo ay tumatagal lamang ng halos isang araw, kung kaya nga tayo nandito ngayon at ipinapaalala ko sa'yo ang lahat ng naganap.
Kung pwede lang sanang hindi na ipaalala ang trahedya, gusto ko nalang ipaalala sa'yo ang masaya nating nakaraan, gusto kong iparamdam muli sa'yo kung gaano kita kamahal. Bukas 'pag gising mo sa umaga, ako ulit ang makikita mong may dalang mga bulaklak na kumakatok sa inyong pintuan, sino ako? magsisimula muli ako sa'yong magpakilala, ang isang tao na handang ialay ang tunay na pagmamahal, at handang iparamdam sa'yo na kahit pa anong mangyari ay para tayo sa isa't-isa, kahit pa araw-araw kong gawin, kahit pa ang bawat bukas sa atin ay panibagong gabi't araw, panibagong simula.
~~ o ~~
Short term memory loss or Anterograde amnesia is a loss of the ability to create new memories after the event that caused the amnesia, leading to a partial or complete inability to recall the recent past, while long-term memories from before the event remain intact.
Image credits to Makatang Lasenggera
i feel you.... damang dama ko ang iyong emosyon sa pagsulat nito...
ReplyDeleteganda...
maraming salamat senyore ^_^
DeleteParang sa 50 First Dates... Ayos! =)
ReplyDeletegnun na nga. d'yan ko nalaman na may ganito palang klase na amnesia hehe... salamat po sa pagbisita sir denggoy ^_^
Deleteyan talagang motor na yan..naku...
ReplyDeletehehe(relate lang).
naku mukhang motorista yata si idol red hehe.. ingat ingat tayo ^_^
Deleteoo nga pla.. mukhang may problema sa feeds mo idol red, dahil siguro sa mga links ng ads mo.. paki check.. sinusubaybayan ko kasi mga post mo pero hindi nalabas sa feeds..
Ang hirap naman na magkaroon ng ganitong klaseng amnesia. Dapat may dala kang recorder sa iyong bulsa para kapag may nakalimutan ay ipi-play na lang ang recorder. Ang kaso, salita lang ang nairerecord, hindi ang mga mahahalagang nakikita ng mata at puso.
ReplyDeleteganun na nga. napakahirap nito kung iisipin, kailangan ipaalala at iparamdam kay babae araw-araw ang inyong status hehe.. ^_^
Deletepara sa minamahal, walang mahirap. kaya ko nga rin ba ito? :)
Deleteyakang-yaka katulad nga ng sabi mo kung para sa minamahal.. kung ako, hindi ako makakaramdam ng pagsasawa.. ^_^
Deleteanlakas maka 50 first date......
ReplyDeletegusto ko yung DP mo, coffee and tea ng Blur....
*astig*
si Milk? heheh..
Deletehehehe... 50 pers deyt nga ^__^
salamat po sa pagbisita sa aking blog...
oo si milk nga!
Deleteahahahaha
naalala ko sa ending ng mv nyan eh magiging angel sya di ba?
ininom na kasi siya at tinapon sa basura.. pero natapos naman niya ang misyon niya at magkasama na sila ni pink hehe ^__^
Delete