Sa mga pormal na kasuotan sila'y masisilayan
Sa mga saradong pintuan sila ay naroon lamang
Sa paglabas sila'y 'di bastang malalapitan
Agad na haharangin ka ng kanilang mga bataan
Mga pinaguusapan ay walang patutunguhan
Talino nila'y ginagamit sa panggugulang
Maliliit na tao kanilang iniisahan
Mayaman na nais magpayaman
Mapera na gumagawa ng pagkakaperahan
Mataas, na walang takot paring inakyat ang hagdan
Mahuhulog at ang sisi ay sa kaniyang mga kababayan
Libre lang naman daw ang mangarap
Tao lang din na karangyaan ay nais malasap
Ngunit sadyang may mga taong pilit kang ibabagsak
Kung kapalit ay katuparan ng kanilang mga pangarap
Nakaranas din daw sila ng hirap
Alam nila kung bakit tayo nagsusumikap
Nalusaw ang maskarang gamit sa pag-ganap
Kung kaya't kapalaran ng gipit lalong sumaklap
Ang nasa tuktok ang hihila sa atin pataas
Iaahon ang nasa ilalim at tutulungang umangat
Ngunit bakit tila nangawit na sa ilalim itong si Juan?
Sinakyan lang pala siya nitong naglalakihang mga reptile
Sa tindahan nila'y hindi ka pwedeng mangutang
Ngunit bayad mo'y agad-agad nilang kailangan
Sa binayad mo ay hindi ka makikinabang
At hindi ka Pinoy kung hindi ka pa sanay d'yan
"Pangako ko ay suntok sa buwan
Mga salita ko'y hinahangin sa bintana ng bus
Lahat ng makakaya ko'y gagawin sa kawalan
Tiwala niyo sa akin ay tinapong barya sa kanal"
'Yon ang kaniyang mga sinalita
Ako naman ay bahagyang kumulot ang kanang kilay
Tama ba ang narinig ko mula sa aking kababayan?
O nai-translate lang mula sa katotohanang ating nasisilayan
Galing naman ng tula... may laman
ReplyDeletesana tamaan ang tatamaan....
Nagustuhan ko ung line na pilit kang ibabagsak matupad lang ang pangarap nila.... marami talagang ganyan ngayon...
sapul yan sir jon hehe ^_^
Deletesalamat po sa pagbasa :))
Maganda at maayos ang lapa ng mga salita...
ReplyDeletebagay din ang tulang ito sa aking mga pahina...
mahinaing din ako eh...
napansin ko nga ^_^
Deletekaya nung npadpad ako sa blog mo subscribe agad eh.. :D
salamat sa pagbasa!
mahusay. hu nga ba sila?
ReplyDeletesilang pang pabigat. sila yung mga buwaya sa mundong ibabaw hehe. ^_^
Delete