Monday, August 7, 2023

Tinoyo

image credits @lordshaax
May mga drama sa buhay natin
Sa iba'y ayaw na nating sabihin
Nakakahiya? Di na para aminin?
Pero ang sakit nananatili sa atin

Sa gabing ito ika'y bukas sakin
Bukas, patuloy kitang hahanapin
Bakit ba kailangan sarilinin?
Diba't ang kakampi mo'y ako lang din?



Sa bawat bukas na ating susubukin
Sa bawat tanong na ating sasagutin
Sa bawat problemang susulusyonan natin
Wala kang magagawa, kasama mo'y ako pa din

Palagi akong bukas sa atin
Paborito mong libro na ayaw mo munang tapusin
Araw-araw nandito para lahat ng sakit mo'y yakapin
Walang tampuhan, ang makakasira sa atin


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin