Tuesday, August 1, 2023

Gurang

credits @mitochondriagallery
Nasaksihan ko ang sarili kong pagbabago
Mula sa taong hindi malaman kung saan patungo
Ngayon ay taong nabubuhay para lang sayo
'Di naman talaga ibig sabihin non na alipin mo ako

Pero malinaw na gusto ko ay palagi kang masaya at nakukuha ang gusto mo
Gurang na ako ngayon na natagpuan ko ang prinsesa ko
Kaya hindi sasayangin ang mga natitira kong oras sa mundo
Gagawin ko ang lahat ng makakaya para sayo

Sino lang naman kasi talaga ako
Kahit hindi mo alam ay binigyan mo ng saysay ang buhay ko
Hindi ka rin naman maniniwala sa lahat ng sasabihin ko
Pero napaka layo ko na sa dating ako
At lahat ng yon ay dahil sayo

Ramdam mo rin ba ung transition ng buhay?
Yung habang tumatanda ka gusto mo nalang bumalik sa pagkabata?
Napagdaanan ko din naman yon
Pero ngayon gusto ko nang umabante at tumanda syempre kasama mo
Kasama ang magiging mga anak natin

Sasabihin mo lang naman na nambobola ako
Pero kahit kailan hindi ko pa naramdaman sa ibang babae yon
Kasi nga ang iisipin mo may naka live-in na ako

Pero alam mo bang sa bawat araw na nasa ganon akong sitwasyon
Palagi kong tinatanong ang sarili ko
Ito na ba talaga yung gusto ko? Dito na ba talaga ako?
Kahit ako hindi ko masagot ang sarili ko

Naniwala na lang ako na may plano pa ang Diyos sa akin
Na may mangyayaring napakaganda na makapagbabago ng takbo ng aking buhay
Maaaring malaking pera? Mas magandang hanap buhay? Bagong tahanan? Di kaya'y bagong sasakyan?

Pero ikaw ang dumating
At dumating ka dun sa panahong suko na ako at kinukwestyon kona ang plano sa akin ng Diyos
Siguro kung makakausap lang Niya ako
Sasabihin niyang masyado kasi akong excited
Pero ako na mismo ang nakapagsabi sa sarili ko na ikaw na nga ang kulang sa buhay ko

Gusto kong malaman mo na sa akin ay mahalaga kapa sa kahit anong bagay sa mundo
Gusto kong malaman mo na kahit anong hirap ang pagdaanan ay mananatili ako sayo
Gusto kong malaman mo na ikaw na ang tinuturing kong tahanan ko
Gusto kong malaman mo na ikaw ay Ginto, na ang kinang at kulay ay nasa loob
At pinamalas mong lahat sa yan sa akin kaya minamahal kita ng higit pa sa buhay ko.


~~



posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin