Hindi nabuhay ang takot. Kahit araw-araw na panganib ang sinusuyod. Narito ako't nagiisa, iniisip ka. Mahabang araw at isang malamig na gabi na naman mahal ang matatapos, mga huling sandali kung saan kailangan kong labanan ang lungkot. Lakas ng loob ang hatid na malamang ang tinitingala natin ay iisang kalangitan, kahit mabibilang sa daliri ang mga bituin alam kong tulad ko sa puso'y puno ka rin ng pagasa. Isang araw ay babalik ako. Matatapos ang 'yong paghihintay. Babalik ako upang ipagpatuloy ang pag-ibig na ating sinimulan.
Walang ibang gagawin kundi maghintay ng umaga. Kung maaari lang pabilisin ang mga sandali at oras, sa isang kisapmatay kapiling kita. Kung maaari nga, mga na ibon ang magdala ng pagmamahal ko patungo sa'yo. Kailan kaya matatapos itong gulo? Kailan kaya tayo magiging mga bata muli upang maiduyan kita sa ating tagpuan. Kailan kaya kitang susuyuin muli. Ang nakaukit nating pangalan doon sa punong mangga, hindi papatinag, kahit likha ng mga murang isipan ay panghabangbuhay na sumpaan.
Kailan matatapos ang labanan? Kailan matatapos ang hidwaan? Kailan magiging tunay na malaya ang ating Bayan? Kailan magiging siguradong ligtas ang pamayanan, ang mga kabataan? Para sa kaligtasan ng nakararami yumakap ako sa matulis na panganib, anumang oras ay maaaring alaala ko na lang ang umuwi sa atin. Kaunting paghihintay na lang mahal. Pansamantalang aalis ako at hindi tatagal ay babalik muli sa sa aking tungkulin. Aalis ako at darating naman ang isang tulad ko. Sandaling bibitaw ako at tataya naman ang kapalit ko. Bakit? Dahil kailangan. Para sa Inang Bayan.
Tama nga ang nabasa mo, hindi magtatagal ay makakabalik na ako sa piling mo. Halos taon na rin ang hinintay natin para dito, hindi ko na natunghayan ang unang pagtayo ng ating Angela. Hindi ko narinig ang unang binigkas niyang salita. Ama na ako ngunit hanggang ngayon sabik pa rin akong matawag na Papa ng anak natin, ng anak ko. Alagaan mo siya at sabihing pauwi na ako, hindi maipapaliwanag ng mga salita kung gaano ako kasabik na dumating na ang araw na 'yon. Kakatok ako sa ating pinto, naroon ka mahal at ang ating Angela ay naglalaro. Magiingat kayo. Paalam. Mahal ko kayo.
_____________________________
Maalikabok na kahon sa tukador ng kaniyang Inay ang natuklasan ni Angela. Laman ay paglalarawan tungkol sa nakaraan. Dala ay mga pangyayaring lingid sa kaniyang kaalaman.
Dahil na rin sa umaagos na damdamin ay hindi niya napansing basa na ng luha ang liham na 'yon ng kaniyang Ama. Pumasok ang kaniyang Inay sa kwarto, agad na niyakap at pinatahan ang anak.
Labing apat na taon ang nakaraan. Ang pinakahihintay na araw na 'yon ng kaniyang Inay, ang paguwi sa kanila ng kaniyang Itay. Hindi pala ang Itay niya ang nakauwi at dumating, kundi ang mga taong nagpapaabot ng kanilang pakikiramay. Masyado pang bata si Angela para malaman ang mga nangyayari noon, pero ngayon umiikot ito sa kaniyang isipan na parang ipinapakilala sa kan'ya ang mga dati'y naganap, tinitipon upang saktan ang dibdib niya. Ayaw na nga niyang bitawan ang liham na natagpuan sa kahon, pati ang sunog na dog tag na kasama hawak niyang mahigpit sa kaniyang kamay. Ang sunog na dog tag kung saan nakaukit ang 'ngalan ng kaniyang Ama. Ang patunay ng kabayanihan nito.
May mga bagay na hindi na natin maibabalik. May mga pangyayaring hindi na pwedeng ulitin upang ibahin. Nawala siya sa atin. Sa huli, ang mahalaga pa rin ay kung paano siyang nabuhay, nanilbihan at nagpamalas ng pagmamahal sa Bayan. At sa atin anak, ang kaniyang Pamilya-'yon na lang ang nasabi ng kaniyang Inay na naiintindihan ang kaniyang nararamdaman. Wala siyang inilihim kay Angela tungkol sa Ama nito ngunit sisi rin niya ang sarili dahil sa bigat na ibinigay kay Angela ng natuklasang liham.
Si Angela. Walang sariling alaala na tungkol sa kaniyang Ama. Ang kabayanihan at pagiging mabuting Ama nito ay napapakinggan lang niya sa mga kwento ng kaniyang Inay. Tulad rin sa mga litrato ng Ama na paulit-ulit nilang pinagmamasdang mag-ina ay hindi kukupas. Habangbuhay na aalalahanin ni Angela ang kabayanihan at pagmamahal sa kanila ng kaniyang Ama. 'Yon ang sa puso niya'y nakaukit na't hindi mabubura.
~~ o ~~
Para sa ating mga Bayani na nasawi sa Sulu at sa kanilang mga Pamilya
wow may pinagaalayan mahusay ito... At malapit na din ang fathers day :D
ReplyDeletemalapit na nga kaibigan. baka gumawa rin ako para sa mga paders hehe. salamat sa pagbasa tol rix. ^__^
ReplyDeletehahaha walang ano man, tapos mo gawan ang mga paders yung mga kisames, pintos, at sahigs naman... corny ahahahaha
ReplyDeletemayroon na kong nagawa tungkol sa pintuan e. so sa sahig, bintana at yero na lang haha may matutuluyan na 'ko.
ReplyDeletenapapanahon. Pagkatapos ng labing apat na taon simula ngayon, mayroong isang angela o angelo ang magbabalik-tanaw sa mga alaala ng isa sa mga bayaning sundalo sa pamamagitan ng mga alabok na bumabalot sa kahon ng tukador. Mga alaalang walang ibang mapagkilanlan maliban sa pag-ibig sa bayan.
ReplyDeletetama 'yon kaibigan. ang paglisan ay hindi pagalis ng mga alaala at mga nagawa para sa bayan. maaaring malaki o maliit lang na ambag pero ginawa 'yon ng walang pagaalinlangan. maipagmamalaki kahit ilang taon 'man ang lumipas.
ReplyDeleteUna, salamat sa akdang ito.
ReplyDeletePangalawa, ang galing mo, pards.
Pangatlo, kailan nga kaya matatapos ang labanan? Ang usapin tungkol sa Mindanao ay tila mas matanda pa sa akin.
Pang-apat, isang pagsaludo sa mga sundalong mas mahal ang bayan kaysa mas mahal ko ang sarili ko.
Ikahuli, isang pagsaludo sa mga pamilyang tinanggap ang pagiging sundalo nila. Mahirap hayaan na ang mahal mo sa buhay ay susugod sa gulo. Mahirap mabuhay araw araw kakaisip kung kumusta na kaya ito.
Magandang araw!
salamat sa pagbasa at pagbisita kapanalig. saludo rin ako sa kanila na hindi nagatubiling ilagay sa hukay ang kanang paa para sa bayang kinamulatan. ang gulo hindi na nga yata matatapos pero salamat dahil may mga taong tulad nila na gagawin ang lahat para hindi tayo madamay doon. ^__^
ReplyDeleteMabuhay sa ating mga bayani.:)
ReplyDeletesalamat sa pagbisita mami joy aa. ^__^
ReplyDeleteawwww...touching... you know my weakness diba? mz u...
ReplyDeletei love this post!
nagkita na nga pala kami ni RED na idol mo... we talked about you!
ou mga sad story ^__^ what!? pgging sabaw ko pnagusapn niyo? hehe.. miss ko din ang mga paliko-likong kwentuhan hehe.
ReplyDeleteIsa pa lang sundalo ang ama ni Angela. Nakakalungkot lang at kailangan niyang magbuwis ng buhay para sa bayan. Isa talaga siyang huwarang bayani :)
ReplyDeleteuy tol fiel salamat sa pagdaan kaibigan. siya nga, sa una pa lang ay alam niyang hindi siya malayo sa panganib. ngunit hindi siya natakot na magpatuloy para sa bayan.
ReplyDelete