![]() |
art credits: abremson |
"Paunawa. Ang akdang ito ay orihinal na kwento na aking ipinaskil sa www.kwentistablog.blogspot.com. Ito ay personal kong isinulat, hindi ito para sa mga proyekto o' aralin sa mga paaralan. Salamat po sa inyong pagbasa at pagbisita sa aking blog :)" -AldrinEspiritu(Blindpen)
Si Benita, pangalawa sa walong magkakapatid. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng pagkakataon si Taal na makilala ang kahit sino sa kapamilya o' kahit kamag anak man lang ni Benita ngunit palagi niyang nababanggit ang kaniyang mga kapatid na si Kanlaon at Musuan. Tahimik daw ang mga kapatid niyang iyon ngunit mahirap biruin. Palagi niya ring reklamo kung bakit silang dalawa lang ni Hibok ang pinagkaitan ng tangkad sa magkakapatid.