Thursday, May 23, 2013

Kung Gusto Mo Pa?


Malapit nang pasadahan ang mga balita sa telebisyong aking binuksan. Hindi 'yon pinapanuod, kasangkapan lamang upang walang makarinig kung sakaling makagawa tayo ng kahit kaunting ingay. Paalam naman ang kaway ng naglalahong liwanag sa atin sa maliit at may malabong salamin na bintana. Isa na namang walang buhay at walang kulay na araw, patay na dapit-hapon. Hudyat rin 'yon na kailangan na nga nating bilisan.

Bagong laba pa ang kobre kama. Isang haplos sa katawan mo'y dulot ang pagiisip kung kailan ako kakawala sa ganitong buhay. Pangamba ring napapalayo ako sa kung sino talaga ako sa tuwing makakaharap ang tulad mo. "Malayong malayo na"-bulong ko. Ang kasalanan nga ay kasarapan, sabi naman ng krus na nakatapat mismo sa ulunan ng hinihigaan mo'y walang penitensya na ang makakapagsalba sa aking mga pambababoy.

Dapat na ngang tigilan ito. Mula ngayon ay iiwan na ang maling gawain na ito. Ganon pa man ay alam ko ring hindi na ako maililigtas. Tatanggalin na lang ang mga alahas mo. Magsisimula at gagampanan na lamang ang aking trabaho.


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin