Friday, August 18, 2023

Sangang Daan

image credits @joseburgos
Magpakita ka sa iyong araw
Baka ikaw ang hinihintay na dalaw
Guluhin ang tahimik kong buhay
Dalhin sa pagkakasalang hukay

Tinig mong silweta ng himlay
Ang mga yapak mo'y walang ingay
Dala mo'y mapusok na kilay
Nanlalapnos ang apoy mong taglay



Nakakadulas ang maging mahina
Hindi ko alam kung pano akong nahila
Walang kahit anong narinig na salita
Paano kung gamitin mo pa ang dila

Maling ako ang nakikita sa mata mo
Paano ko kakalabanin ang sarili ko
Handang mong ialay ang sarili mo
Duwag akong makipagtalo sa tukso

Paano aakyatin ang iyong mundo
Kung ang mahulog ang kinatatakot ko
Buong buhay nagsisisi sa mga pakakamali ko
Tatawa at luluha ngunit 'di parin matututo

Sa hiwalay na daan ng magkaibang mundo
Matagal ko nang pinili ang dadaanan ko
Tinuloy ko kahit alam kong hindi papunta sa'yo
Malungkot at magisa man sa paglalakbay ko
Dalisay at totoo naman ang yayakap sakin sa dulo


~~



posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin