Saturday, August 26, 2023

Kabilang Kwarto

photo credits @moveinthecity
Rinig sa kabilang kwarto ang ingay. Ingay dati'y dahil sa akin mo nalilikha. Sadya bang ang init sa akin ay nawala? O lahat ng hanap ay sakaniya mo nakita?.

Tuwing sa koridor ay dumadaan ka. Tuwing sa pintuan ko'y bumabangga ang mata. Naaalala mo kaya ang ating pagsasama? Na minsan sa buhay natin tayo'y masaya?

Masakit na pader lang ang sa atin ay naghihiwalay. Pader na sapung taon ang pundasyon para maiharang sa dalawang pusong nagmamahalan. Yung akala nating unti-unti tayong nakakabuo ng pangarap sa ating pagiibigan. Dingding pala na sa atin ay magiging pagitan

Masaya ka ba ngayon sa kaniya? Lahat ba ng kakulangan ko ay napunan niya? Akala ko noon ay tanggap mo ako at magiging sapat ako sa'yo habang buhay, 'yon din naman kasi ang sabi mo, Pero hindi pala.

Masakit ang alalahanin ka. Dahil alam kong sayo'y ay wala na akong halaga. Natanggap kong wala ka na. Ngunit bumalik ka na mayroong ibang kasama.

Masakit isipin na baka sinadya mong dito pa rin tumira. Kilala kaya ako ng bago mo at pareho niyo akong pinaglalaruan? Gusto ko na ring umalis, ako na lang sana ang lalayo. Ang masakit, baka ayaw mo lang malayo sa akin si Glenda, baka akin siya




~~





Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin