Thursday, August 3, 2023

Magiging Masaya Ako

art credits @etsy
Dalawa lang naman daw ang klase ng pamumuhay, yung salat at sagana. Si Ana hindi pa niya alam kung nasaan siya, may kinikita naman kasi siya pero kapalit non ay ang magdamag na paghahanap buhay niya. Yung uuwi na lang para magpahinga, nakailang scroll palang sa mga reels ay malalaglag na ang cellphone sa kaniya. Heto nga't imbis na makakapag checkout na ng mga nakapilang bilihin, kailangan munang unahin ang pamalit sa buwan-buwang nababasag niyang screen.

Si Carmina naman, siya yung klase ng sagana. Lahat ay nasa kaniya na bukod pa sa malusog na hinaharap niya. Pero parang siya mismo ang ayaw magpapasok ng karangyaan sa buhay niya. Gusto niyang maranasan kung ano rin ang nararansan ng mga tulad natin na nasa ibaba. Yung tipong aircon na at rapbuhay sa bahay pero mas pinili niyang pumasok ng higit otso oras araw-araw sa mala-pugon ang init na pabrika. Napakadami tuloy ang bumibilib at nabibighani sa kaniya.

Ako. Nabighani ako sa kanila pareho. Mahirap amining pinagpantasyahan ko pero Oo. Pero dahil talaga sa kanilang mga bukod tanging pagkatao kung bakit unti-unti ay humahanga't umiibig na pala ako sa kanila. Noong college kami sabi ng iba ang swerte ko daw dahil malapit ako sa kanilang dalawa. Chick boy pa nga ang tawag sa akin eh dahil kaming tatlo palagi ang magkakasama. Pero ang hindi nila alam, at hindi ko rin inakala. Na sa aming tatlo, ako lang pala ang kaibigan, silang dalawa ay nagkakaibigan.

Nakakalungkot lang na kaniya-kaniya na kami ngayon. Pati silang dalawa, hindi na naguusap. Kahit sino naman ang tanungin, ako talaga ang may kasalanan kung bakit nasira ang samahan namin. Ang hindi ko lang matanggap hanggang sa ngayon, bakit hindi nila pinagpatuloy?  Huli ko na rin kasi nalaman. Pero kahit nabigo ako, kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan na ipinagtapat ko ang pagibig ko sa kanila. Pero sana kaya kong ibulong para palayain ang bumabagabag sa mga puso nila sa araw-araw. "Mawawala rin naman talaga ako. Gusto ko lang maranasang piliin habang nandito pa ako".

Kay Carmina na hindi ako gusto, at kay Ana na si Carmina ang gusto. Kahit alam kong mali na subukan ang tyansa ko na baka isa sa kanila ang maging kasintahan, hindi na rin naman mahalaga yon dahil hindi naman nila ako ginusto. Nagulat, napangiti, napatawa, napaisip, at napagibig ko sila ng kahit kaunti ayos na ayos na sa akin yon. Ang mahalaga ay maging masaya sila at masaya na rin ako. At gusto kong maalala nila ako sa saya na iyon.

Tanggap ko naman ang hindi nila pagtanggap sa akin. Sa pagiging hopeless romantic ko na lang may forever eh. Pero sinong magaakala, na sa kabilang banda ay minahal din pala nila ako. Na umabot na pala ako sa puso nila ng di ko nalalaman. Nasaktan sila sa pagkawala ko, parang isang bagay na hindi nila namalayang parte na pala ng puso nila. Masakit magbigay daan sa isang bagay, na hindi mo pala makikitang maisasakatuparan. Lalong masakit silang pagmasdan na lungkot ang tinataglay, at wala ako doon para sabihin sa kanila-"Maging masaya na kayo. At magiging masaya na rin ako".


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin